Tahimik na huminto ang itim na Mercedes-Benz sa may kanto, parang isang aninong dumausdos sa gilid ng gabi. Basa ang aspalto sa liwanag ng poste, dilaw at malambot at sa gitna niyon ay bumukas ang pinto ng sasakyan. Bumaba si Elijah na parang hinulma ng ilaw mismo, matangkad, tuwid ang tindig, maayos ang bawat galaw. Ang gilid ng kanyang mukha ay malinaw, matalim ang linya ng panga, at ang mga mata ay kalma, pero tila may binabasang lihim.Mabilis ang tibok ng puso ni Ysa. Hindi niya namalayang bumilis ang kanyang lakad, parang hinihila siya ng liwanag papalapit sa lalaking iyon.Pagdating sa harap niya, tumingala siya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naging banayad ang boses niya.“Professor Elijah…”Sa ilalim ng ilaw, kumikislap ang mga mata ni Ysa na parang bituin sa gabi, mahina pero totoo. Bahagyang ngumiti si Elijah, ang ngiting bihirang makita ng iba.“Sumakay ka na,” sabi niya, mahinahon.Sabay silang pumasok sa sasakyan. Ikinabit ni Elijah ang seatbelt niya, saka sanda
Last Updated : 2026-01-21 Read more