Mula nang buksan ni Ysa ang kahon, tahimik na inoobserbahan ni Elijah ang bawat munting pagbabago sa kanyang ekspresyon. Mula sa bahagyang pag-angat ng kilay, hanggang sa hindi napigilang pagliwanag ng kanyang mga mata. At gaya ng inaasahan niya, hindi nagtagal ay sumilay ang saya sa mukha ng dalaga, isang ngiting hindi pilit, hindi rin itinago.“Salamat po, Professor Elijah,” masiglang sabi ni Ysa, hawak pa rin ang kahon. “I really like it.”Sa sandaling iyon, alam ni Elijah na tama ang naging desisyon niya. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi, isang ngiting hindi halata, ngunit sapat para sa sarili niyang kasiyahan.“Try it on,” mahina niyang sabi.Maingat na inilabas ni Ysa ang bracelet. Hawak niya iyon sa pagitan ng kanyang mga daliri, wari’y isang bagay na marupok at mahalaga. Itinaas na niya ang kamay, handang isuot, ngunit bigla siyang natigilan. Ilang segundo siyang nanahimik, tila may iniisip, bago marahang iniabot ang bracelet kay Elijah.“Professor…” bahagya siyang
Last Updated : 2026-02-11 Read more