Elizabeth’s Pov Nasa kwarto ako, madilim at tanging lampara lang sa aking side table ang umiilaw. Tumingin ako sa ceiling, hindi ko maintindihan kung ano ang dapat kong gawin. Kung may dapat ba akong gawin. Basta, hindi ko alam kung ano talaga ang dapat kong gawin. I felt like everything was under my control. But instead of thinking about it a lot. I decided not to associate with it for the meantime. Mas pinili kong hayaan ang sarili ko na magpakaabala sa mga apo ko. Mas mabuti iyon. Kaya naman Kinabukasan, agad kong binalak na ishopping ang tatlo, kaso nga lang ay wala akong kasama dahil busy silang lahat. Busy si Giovanni sa business, si Arabella din, at si Eliza ay may lakas na pinuntahan. “Si Papa na lang, Ma,” suhestiyon ni Arabella. Sinulyapan ko si Arthur na kanina pa nakatingin sa akin, Mukhang inaabangan niyang matawag siya dahil siya lang ang available. Gusto kong tumanggi. Pero si Calista at Baste ay excited na at nandoon na sa loob ng kotse, kaya w
Magbasa pa