Kinabukasan…Pumasok siya sa ospital na may dalang bouquet ng pulang rosas. Napatigil ang mga nurse sa mga ginagawa nila, may nagbubulungan, may nang-aasar pa na akala mo nakakita sila ng dalawang taong nag-iibigan. Tsk, people.“Doc Samantha, ah!” may sumipol pa.“Please, huwag na,” sabi ko. “May—”“Wow.”Isang pamilyar at mapanuyang boses ang sumingit.Lumingon ako at nakita si Althea, naka-designer dress, naka-sunglasses kahit pa nasa loob na siya ng ospital, at sa tabi niya, si Madam Sylvia. Ang presensya ng matanda ay tahimik pero kitang-kita mo sa mga mata niyang may malalim siyang iniisip. “Grabe na talaga ang mga lalaki ngayon,” sabi ni Althea. “Kahit ganitong klase ng babae, pinapatos.”Tumindig si Dr. Paolo. “Excuse me. Dr. Reyes is one of the best doctors here.”Ngumisi si Althea. “Bagay kayo. Parehong trying hard.”Napangiti ako, hindi dahil natatawa ako, kundi dahil alam kong tatama ako sa tamang lugar.“Althea,” sabi ko sa tono na para bang walang kwenta ang kausap ko.
Terakhir Diperbarui : 2026-02-10 Baca selengkapnya