Kumunot agad ang noo ng hospital director. “Miss De Vera,” mariin niyang sabi, ramdam ko ang pigil na galit sa boses niya, “please watch your words.”Tahimik ang corridor, pero ramdam ko ang biglang pagbabago ng hangin. Hindi dahil sa sigaw, kundi dahil sa pangalan ng babaeng kaharap namin.Si Althea. Ang balita ko ay isa na siyang sikat na artista, tinitingala. Kaya ganun na lamang niya ako tratuhin kanina dahil sa kakapalan na ng mukha niya, sanay na sanay talaga siyang mataas ang tingin sa sarili. Sandaling napatigil siya, halatang hindi inaasahan ang pagsita ng hospital director sa kanya. Pero agad din niyang itinaas ang baba niya, parang walang narinig.“Fine,” sabi niya, na parang walang pakialam. “Kung ganon, sakto naman pala. Masama ang pakiramdam ng mommy ko lately. Ikaw na ang tumingin. Don’t worry, money is not an issue.” kinindatan niya rin ako pabalik. Napangiti ako.Hindi dahil natutuwa ako.Kundi dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang sagot ko.“Sorry,” sabi ko,
Last Updated : 2026-01-13 Read more