Pagkapasok namin sa luxury store, napansin ko ang pagtaas ang kilay ng mga saleslady.Nilapitan ko agad ang nakita kong bag, mukhang gusto ni Madam Sylvia ang ganitong style, hahawakan ko na sana ng bigla na lamang akong pinigilan ng saleslady. “Ma’am, kung hindi pa po sigurado sa bibilhin ninyo, hindi po pwedeng hawakan.” “Ah, okay, sure.” nginitian ko ito pero hindi niya ako nginitian, mataray pa rin ang tingin niya sakin. Lumapit ako sa mga dresses, “can I get plus size for this?” tanong ko sa saleslady na kanina pa sumusunod sakin. “Ma’am, kapag po kasi kumuha ako ng stock po niyang dress kailangan na pong bayaran.” “Sure, sige.” sagot ko agad. “No return po—”“Miss? Okay ka lang ba? I told you already that it is okay, I can pay it.” sagot ko. Ano ba tingin niya sakin, walang pera?!“Hey, what’s the problem?” singit ni Terrance. “S-Sir Terrance?” nanginginig na tawag ng saleslady. Tiningnan siya saglit ni Terrance saka bumaling sakin, “why? May problema ba?” Sila nga pala
Read more