Pagbalik ko sa bahay, sinalubong ako ni Manang Cecil, kinuha niya si Sevi sakin. “Naku Ma’am, mukhang pagod na pagod po kayo.”“Kaya nga po, Manang, eh. Halata po ba?” napatawa ako nang mahina.“Oo naman. Halata sa mata niyo.”Ngumiti ako. “Okay lang ako, Manang. Maliligo lang ako saglit.” Tumango lamang siya, at dahan-dahan na niyang dinala si Sevi sa kwarto niya. Habang nasa ilalim ako ng shower, pinikit ko ang mga mata ko.And everything came rushing back, hindi ko alam pero bigla na lamang akong napaluha. Bigla na lang din kasi bumalik sa alaala ko si Terrance, si Althea, lagi na lang. Lagi na lang paulit-ulit sa isip ko yung gabing nahuli ko sila, yung sakit, galit, at yung pakiramdam na parang gumuho lahat ng pinaghirapan kong buuin noon. Napakagat ako sa labi.Hindi na pwede.Hindi na pwedeng bumalik doon, malabo na. Pinapatira pa nga niya sa condo niya eh, tama ka na, self. ~Pagkatapos kong maligo, agad akong bumalik sa unit ni Terrance. Gusto ko siyang kausapin dahil sa
Read more