“Daddy, I love you so much!”Halos tumalon si Sevi sa tuwa habang yakap-yakap niya si Terrance, parang hindi na siya mapakali sa excitement. Nasa sala kami noon, kakapasok lang namin, at hindi ko na mabilang kung ilang kahon ang dala ni Terrance.“Dahan-dahan, baby,” sabi ko, pero napapangiti na rin ako.“Mommy, look!” sigaw ni Sevi habang hinihila ako papunta sa maliit na table kung saan naka-set up ang isang sleek na computer.Napakurap ako.“Terrance…” mahina kong sabi, “ano ‘to?”“Gift,” simpleng sagot niya.Napailing ako.“Para sa bata ‘to? Four years old pa lang siya.”“Almost five,” singit ni Sevi, nakangiti.Napabuntong-hininga ako.“Hindi mo siya dapat sanayin sa ganito,” bulong ko kay Terrance.Pero hindi ako pinansin ni Sevi. Nakasubsob na siya sa bagong computer, pinipindot ang keyboard na parang matagal na niyang kilala.“Mommy, I’ll study hard, promise!” sabi niya bigla, sabay lingon sa’kin. “Then I’ll take care of you!”Natawa ako.“Talaga ha?”“Promise!” seryoso niyang
Read more