Sylviea’s Point Of ViewHindi parin ako makapaniwala na buntis ako, na ang isang gabing nangyari sa amin ay nagbunga. Na magiging ina na ako, magkakaanak, pero higit sa lahat hindi parin mawala sa isip ko na kailangan ko paring sirain ang buhay ng ama ng anak ko.Ni Niro.Kailangan ko paring gawin ang mga bagay na pinagagawa ni Marcus sa akin, kailangan kong ibigay sa kan’ya ang gusto niya.Huh! Humugot ako ng malalim na paghinga, “S-sige, susubukan natin,” halos utal kong sagot sa sinabi niya.Na susubukan namin? Pero sa loob loob ko, alam ko ang totoo, gagawin ko parin to para sa pamilya ko. Hindi ako dapat magkaroon ng mas malalim na pagtingin sa kan’ya, hindi na dapat.“Viea,” inabot nito ang baba ko at ginaya patingin sa kan’ya, ramdam at kita ko ang sinsiredad sa bawat tingin niya. “I will make you the luckiest woman alive, ikaw, kayo ng magiging anak natin.”Hindi ko maiwasang makagat ang ibabang labi ko, parang sasabog ang dibdib ko sa kunsensyang nararamdaman ko.…Lumipas an
Última atualização : 2026-01-24 Ler mais