“Bakit, Charlotte? Nagulat ka ba?” ang boses ni Vanessa ay paos, mababa, ngunit puno ng matinding lason. Dahan-dahan siyang humakbang pasulong, bagaman medyo umuuga ang kaniyang tindig dahil sa epekto ng pampalambot ng kalamnan.“Akala mo ba magtatagumpay kayo ng asawa ko? Akala mo ba hahayaan kong mabubulok ako rito habang ikaw ay nag-aastang bagong reyna sa West Wing?!”“V-Vanessa, makinig ka... nagkakamali ka, pakiusap ibaba mo 'yan!” umiiyak na pakiusap ni Charlotte, awtomatikong napahakbang paatras hanggang sa tumama ang kaniyang likod sa gilid ng vanity table. “Buntis ka, Vanessa! Baka kung anong mangyari sa baby... pakiusap, huwag mong gawin 'to!”“Huwag mo akong ma-buntis-buntis ngayon, hampaslupa!” palahaw na sigaw ni Vanessa, ang kaniyang mukha ay namumula sa matinding inggit at pagkabaliw. “Ang batang 'to? Ito lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng burahin ni Niorr, hindi ba?! Pero ikaw... ikaw ang kumuha ng atensyon niya! Ikaw ang gusto niyang maging asawa! Sa
Read more