“Limang taon,” panimula niya, ang boses ay mababa at malambot. “Limang taon kong pinaniwala ang sarili ko na galit ako sa'yo. Pero ang totoo... galit ako sa sarili ko dahil hindi kita naprotektahan. Noong nakita kong hawak ka ni Marcus kanina... pakiramdam ko pinapatay ako nang buhay.”Hinaplos ko ang pisngi niya gamit ang malaya kong kamay. “Tapos na, Niro. Nahuli na siya. Hindi na siya makakapankit pa.”Pumikit siya, dinadama ang haplos ko. “I don't deserve this easily, Viea. I know I broke you. I know the pain I caused you while you were in that cell... at kahit noong nakalabas ka na.”Nagmulat siya ng mata, at ang paningin niya ay punong-puno ng sinseridad. “Pero pangako, uubusin ko ang buong buhay ko para bumawi sa'yo. Hahayaan kitang maging malaya, hahayaan kitang palaguin ang kumpanya mo, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo... just please, let me be beside you while you conquer the world.”Ngumiti ako. Isang ngiti na nanggagaling sa kailaliman ng kaluluwa ko. “You don't have
더 보기