THE FIGARLAN TOWER - GRAND BOARDROOMNakatayo sa dulo ng mahabang glass table si Mr. Zacker, isang matangkad at may edad na Amerikanong kilala sa pagiging walang-puso sa negosyo.Sa kaniyang kanan ay si Niro, suot ang kaniyang perpektong black suit, ang panga ay igting na igting. Sa paligid ng mesa ay ang mga board of director ng Figarlan Group, nakatingin lahat sa pinto, naghihintay.Bumukas ang double doors.Pumasok ako, suot ang aking paboritong crimson red power suit na sumisigaw ng awtoridad at confidence. Kasunod ko si Aries na bitbit ang mga dokumento ng Inner GlowNag-angat ng tingin si Niro. Nang magtama ang aming mga paningin, nakita ko ang bahagyang pag-igting ng kaniyang lalamunan, pero hindi na galit ang nasa mga mata niya.“Mr. Zacker, Mr. Figarlan,” pormal at malamig kong bati, hindi pinapahalata ang mabilis na pagtibok ng puso ko. “Thank you for waiting. Sylviea De Guzman, CEO of Ethereal Inner Glow Aesthetic.”“Ah, the mysterious CEO,” bati ni Mr. Zacker, may halong p
더 보기