“Kaya kong kumuha ng sarili kong pagkain, Niro. Hindi mo kailangang magpanggap na may pakialam ka sa kung anong kinakain ko,” malamig kong sagot.Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Ang kaniyang mga balikat ay bahagyang bumagsak, pero hindi siya lumaban. Tumango lang siya at dahan-dahang binawi ang kamay niya.“I’m sorry. Gusto ko lang... makabawi,” paos niyang bulong.“Hindi mabubura the truth that you humiliate me, Niro.”Kumuyom ang panga niya. Alam kong nasasaktan siya, at sa totoo lang, isang bahagi ng utak ko ay gustong magdiwang. Pero ang puso ko? Nasasaktan ako sa mga mismong salita ko.Niorr, completely oblivious to the heavy tension between us, continued to chatter about his toys, his dinosaur books, and how happy he was. We both put on fake smiles for him, engaging in his little world, preserving the illusion of a perfect, unbroken family.Nang matapos kaming kumain, inalok ng staff si Niorr na pumunta sa exclusive indoor play area ng restaurant, na tanaw lang
더 보기