Charlotte?Ano ang ginagawa ng assistant ng kaniyang asawa sa ganitong kalayong lugar, sa gitna ng malakas na bagyo, nang walang dalang sasakyan?Isang mainit na inis ang biglang sumabog sa dibdib ng bilyonaryo. Hindi sa babaeng nakatayo sa ulan, kundi sa taong tiyak na nagpadala sa kaniya roon.May kutob siyang pinag-utos it oni Vanessa.“Stop the car,” biglaang utos ni Niorr.“Sir? Bawal po pumarada rito—”“I said, stop the fvcking car,” mababa ngunit nakakamatay na boses ni Niorr.Agad na huminto ang Maybach sa gilid ng kalsada. Bago pa man makalabas si Sebastian upang payungan siya, mabilis na binuksan ni Niorr ang pinto, kinuha ang itim na payong, at siya mismo ang lumabas sa gitna ng malakas na ulan.Sa kabilang banda, napayuko si Charlotte nang makita ang pamilyar na itim na sasakyan na huminto sa tapat niya.Kumabog ang kaniyang dibdib. Bago pa siya makapag-isip, isang malaking itim na payong ang sumilong sa kaniya, humaharang sa marahas na hangin at ulan.Nang iangat niya ang
Read more