“Niorr!”Ang boses ni Vanessa ay lumabas mula sa speaker ng receiver—hysterical, puyat, at may halo ng galit at takot. Kahit na distorted ng static mula sa satellite line, dumagundong iyon sa tahimik na lounge.“Niorr, nasaan ka?! Bakit hindi ka nakauwi?! Sabi ni Sebastian stranded kayo—kasama mo ba si Charlotte?! Is she with you right now? Answer me!”Nakatayo si Niorr sa tabi ng mesa, ang kaniyang buong katawan ay nanigas. Ang init na dumaloy sa kaniyang mga daliri noong hinahaplos niya ang pisngi at labi ni Charlotte ay mabilis na pinalitan ng isang malamig at bakal na disiplina.Dahan-dahan siyang pumingkit, humihinga nang malalim upang kontrolin ang galit na gustong sumabog sa kaniyang dibdib—galit hindi sa telepono, kundi sa katotohanang biglang sumagasa sa kanila.“Vanessa,” malamig, pantay, at walang emosyong wika ni Niorr, ang boses na ginagamit niya kapag nakikipag-usap sa mga kaaway sa negosyo. “Calm down. You are in no condition to scream.”“How can I calm down?!” sigaw ni
Read more