Tumingin si Niorr sa direksyon ng alcove sa likod ng kaniyang desk.“Charlotte,” malumanay na tawag ni Niorr. “You can step out now.”Natigilan si Vanessa. Biglang napahinto ang kaniyang pagwawala, nanlaki ang kaniyang mga mata habang dahan-dahang humaharap sa gilid ng silid.Mula sa likod ng makakapal na velvet drapes, dahan-dahang lumabas si Charlotte.Namumutla ang dalaga, ang kaniyang mga mata ay pulang-pula sa pag-iyak, ngunit sa kaniyang mukha ay wala na ang dating takot—pinalitan na ito ng matinding pait, pagkabigo, at ang malinaw na katotohanan.“C-Charlotte?” nauutal na usal ni Vanessa. “N-Nandiyan ka?”Tinitigan ni Charlotte si Vanessa. Ang babaeng inakala niyang nagligtas sa kaniya, ang babaeng paulit-ulit niyang pinrotektahan at kinauutangan ng loob, ay tiningnan lang pala siya bilang isang basahan at gamit na pambait.“Narinig ko ang lahat, Vanessa,” mahinang wika ni Charlotte, ang kaniyang boses ay nanginginig ngunit may linaw. “Narinig ko kung paano mo ako tingnan... ku
Magbasa pa