Tahimik ang kwarto pero ang isip nina Lia at Andrei ay sobrang ingay. Magkatabi silang nakaupo at nagbubulungan. Si Andrei, todo ang ngiti habang ini-imagine ang future niya, samantala si Lia naman ay nakapamewang, amused, but too doubtful sa mga nangyayari.“Magiging akin na rin ang limited edition super cars sa garage ni Daddy. Sa akin na lahat.”“Kuya, hindi ka ba masyadong excited? Feeling ko hindi naman agad-agad mapapatawad ni Mama si Daddy, eh.”“Hindi puwede. Hindi rin naman magugustuhan ni Daddy ‘yong si Lady Grethel,” sagot naman ni Andrei.“She can manipulate Daddy. Nakita natin siya last time how bad she is kaya.”“Hmm. Kapag nagustuhan pa rin ni Daddy si Lady Grethel, let’s find Mama a prince charming instead. Okay ba?”Habang nagpaplano ang dalawa, walang kaalam-alam ni Clarisse sa mga nangyayari. Nang kumatok si Clarisse sa pintuan, agad silang napatalon at umayos ng upo. Si Clarisse na bagong ligo, may tuwalya pa sa ulo, ay nagulantang din sa reaksyon ng dalawa.“Hindi
Dernière mise à jour : 2026-02-05 Read More