Nagmulat ng mata si Vera nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Bahagya siyang gumalaw sa kama at doon niya nakita si Rico, nakaupo sa gilid, hawak ang cellphone niya at tila may iniisip.“Good morning, wife,” bungad ni Rico, may bahagyang ngiti. “Riley called.”Agad nawala ang antok ni Vera. Umangat siya sa siko at napakunot ang noo. “Riley? Anong kailangan niya?”“I don’t know,” sagot ni Rico, sinipat ang screen ng phone. “Hindi siya sumagot nang ibinalik ko ang tawag.”Napabuntong-hininga si Vera at muling humiga, nakatingin sa kisame. “Baka wrong call lang.”“You should block his number,” diretsong sabi ni Rico, walang paligoy.Napalingon si Vera at napangisi. “Are you jealous of your little brother?”Tumingin si Rico sa kaniya, seryoso ang mukha. “You’re my wife, Vera. As far as I remember, I have the right to be jealous.”Saglit na natigilan si Vera. May kumirot sa dibdib niya na pilit niyang binalewala. “Contract marriage lang ‘to,” paalala niya sa sarili.Napangiti s
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-17 Mehr lesen