Akala nila kay Kasumi yung nagriring na phone ngunit kay Cohen pala. Agad na sinagot ng lalaki ang tawag nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Umalingawngaw ang tuwang-tuwang boses ni ina niya sa kabilang linya."Anak! Nung una, kinukwento sa akin ng Lolo mo na may asawa't anak ka na raw pero hindi talaga ako naniwala. Kaso nang makita ko yung balita ngayon? Oh my gosh, totoo nga! Hintayin mo ako riyan, pauwi na ako para asikasuhin ang kasal niyo! Lalo pa't may apo na pala ako, hinding-hindi natin pwedeng tipirin ang manugang ko!"Kumunot ang noo ni Cohen at napahilot sa sentido niya. "Ma, wait lang, ‘wag po kayong mag-isip ng kung anu-ano. Tumulong lang po ako kanina para iligtas si Kasumi sa gulo. Wala pong namamagitan sa aming dalawa.""Aba, siraulo ka pala eh!" bulyaw ng nanay niya. "May anak na kayo tapos ayaw mo pang pakasalan?! Gusto mo bang pag-tsismisan at husgahan ng mga tao si Kasumi, ha? O siya, tama na ang dada. Ako na ang masusunod dito, huwag ka nang makialam s
Read more