Pero lumipas ang ilang segundo, walang sampal na lumagapak sa paligid. Hindi dahil sa naduwag si Ana. Kundi dahil na-realize niyang kapag sinaktan niya ang bilyonaryong nasa harap niya, baka ipa-blacklist nito si Kasumi o gumawa ng paraan para tuluyan sirain ang babae. Iba na ang kapangyarihan ni Aslan ngayon kung gugustuhin nito, kaya nitong durugin ang pagkatao niya pati na si Kasumi. Ibinaba niya ang kamay upang pigilan sampalin si Aslan at may inilabas na isang makapal na folder mula sa bag niya, bago ito malakas na inihampas sa mesa."Complaint draft," matigas niyang sabi sa lalaki. "Bilin ni Kasumi, idedemanda ka namin for copyright infringement! Dahil sa walang-paalam na paggamit ng design niya sa isang public event at pagpapa-publish nito sa magazine cover! Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ito, Aslan!"Kalmadong pinatay ni Aslan ang sigarilyo sa ashtray bago dahan-dahang inangat ang tingin."Kahit anong gusto niyong settlement, ibibigay ko. Huwag kayong mag-alala makikipag
Read more