Sobrang sakit makitang close na pala ang anak niya kay Cohen. Tingnan mo nga naman, ang sarili niyang anak, na kilalang sobrang ma-pride at mataray sa lahat ngayon, sobrang bait na sa ibang lalaki dahil lang sa isang mangkok ng sopas at hotdog? Kung magpapatuloy 'to, baka pareho nang tawaging Papa ng dalawang anak niya ang Cohen na ito!Hindi niya na kaya ang tensyon kaya pilit siyang nag-isip ng palusot para tumakas sa sitwasyon. "H-Hindi pa yata gising si Kira? Kayo na munang kumain diyan, aayusin ko lang 'yung pagligo niya."Walang paalam siyang naglakad papunta sa kwarto ng mga bata. Sa mga oras na 'to, si Kira na lang ang kaisa-isang kakampi niya. Buti na lang mas pinili ng anak niyang babae na tawagin siyang Papa kaysa sa Cohen na yun. 'Yung isang anak niya namang lalaki... wala na, nabili na ng sopas at hotdog!Saktong pagbukas niya ng pinto, kabababa lang din ni Kira mula sa kama. Pagkakita sa kanya, mabilis pa sa alas-kwatro na tumakbo ang bata papunta sa kanya at yumakap s
Baca selengkapnya