Bumungad agad ang boses ni TJ na sumisigaw sa galit. "Aslan, hayop ka! Kung gusto mong agawin kay Cohen si Kasumi, lumaban ka ng patas! Hindi mo ba naiisip na napaka rumi ng ginagawa mo ngayon?!"Kanina pa masama ang timpla ni Aslan kaya nang murahin siya nito ng walang pakundangan, sumabog na rin siya. "Kung gusto mong mamatay, TJ, sabihin mo lang! Huwag kang mambintang diyan, wala akong kinalaman sa mga sinasabi mo! Hindi ko iyan ginawa!” "Huwag ka ngang magpanggap diyan!" nanggagalaiting sigaw ni TJ sa kanya. "Wag mong sabihing hindi ikaw ang may pakana ng gulo ngayon sa pamilya nila Cohen?! Nagkampihan ang mga tiyahin ni Cohen para pabagsakin ang magulang niya! Inakusahan pa nila ng embezzlement ang tatay niya at iniimbestigahan na ngayon! Hindi ba't gawain mo yun?!""Gusto mo lang mapilitang umuwi sa SoKor si Cohen para ayusin ang gulo ng pamilya nila para masolo mo si Kasumi, 'di ba?! Pwes, pakinggan mo ito, Aslan! Kahit pabagsakin mo pa si Cohen, hinding-hindi babalik sa'yo si
続きを読む