Pagkasara ng pinto, tuluyan ng bumagsak ang luha ni Aslan. Hindi siya gumawa ng ingay, tahimik lang din siyang umiyak habang nakahiga sa isang malamig na kama. Ang ina naman ni Aslan na kanina pa pala naroon at tahimik sa gilid ay napabuntong-hininga na lamang. "Nakita mo na? Wala na siyang nararamdaman para sa'yo. Nahanap niya na yung taong magmamahal sa kanya. Wag mo nang parusahan ang sarili mo, anak. Aasikasuhin ko na lang ang kasal niyo ni Margareth, mas maigi pa. Siya talaga ang nakatakda sa'yo, Aslan. Dalawang beses ka na niyang iniligtas. Nung nalaman niyang inooperahan ka kanina, iyak siya ng iyak at nagpupumilit na pumunta rito. Kung gusto mo, papuntahin ko na siya bukas—""Subukan niyo siyang papuntahin dito at ngayon din ako lalabas ng ospital," malamig at galit na banta ni Aslan sa ina.Napabuntong-hininga ulit ang ina niya. “Huwag ka ng magalit, sige hindi ko na siya papupuntahin dito. Pero malapit na ang kasal niyo, kailangan mo na ring maghanda para roon."Hindi na s
Read more