Akala ni Kasumi ay simpleng dinner lang ang tinutukoy nito, pero nang dumating ang Sabado ng gabi, halos manigas siya sa kinatatayuan niya. Ang buong grand ballroom ay punong-puno ng mga pinakamayayaman at pinakamaimpluwensyang tao sa buong Pilipinas. Mga pulitiko, negosyante at mga sikat na personalidad. At ang lahat ng atensyon ay na kay Aslan at sa kanya.Nang pumasok sila sa red carpet, mabilis na sumalubong ang ilang mga VIPs. "Mr. Anderson! Good evening!" bati ng isang sikat na senator, bago napatingin kay Kasumi. "At sino naman itong napakagandang babae na kasama mo ngayon? Bagong date?"Hinigpitan ni Aslan ang hawak sa manipis na baywang ni Kasumi. Wala ang karaniwang malamig na aura nito, sa halip, may kakaibang pagmamalaki sa boses ng lalaki. "She's not just a date, Senator," malakas at malinaw na anunsyo ni Aslan na umalingawngaw sa paligid. "Siya ang ina ng dalawa kong anak. Ang dati kong asawa. At ang kaisa-isang babaeng nililigawan ko ngayon para maging Mrs. Anderson
Read More