"Ano ka ba, Cohen? Pinalalaki mo ang isyu!" Umalingawngaw ang boses ng matanda sa tahimik na kwarto. Sumimsim ito ng kape bago nagpatuloy. "Kung hindi ko pineke ang coma ko at ang aksidente, sa tingin mo ba mapapapayag mong magpakasal sa'yo si Kasumi? Kilala ko ang babaeng 'yan. Masyadong malambot ang puso. Gagamitin lang natin ang utang na loob niya sa pamilya natin para makuha mo siya at matali ang pera ng pamilya Tan sa kumpanya natin. Win-win 'to, anak, ano ka ba!"Sa kabilang linya, narinig ni Kasumi ang boses ng lalaking tinuring niyang pamilya. Ang boses ni Cohen na puno ng frustration. "Pero Pa, mali 'to! Pwede niyo akong tulungan nang hindi pinagsisinungalingan si Kasumi! Paano kung malaman niya ito? May severe depression siya, Pa! Hindi niya kakayanin kapag nalaman niyang pati tayo, na itinuturing niyang pamilya ay niloko siya!""Kaya nga wag mong sasabihin!" inis na sagot ng matanda. "Wag kang tanga, Cohen! Nasa sa'yo na ang babaeng gusto mo, aarte ka pa ba? Isa pa, kailan
Read More