Pagmulat ni Kasumi, bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ni Aslan. Nakahiga ito sa tabi niya, hubad ang pang-itaas at tinititigan siya nang may kakaibang lambing. Sa isang iglap, bumalik ang alaala ng gabing iyon sa kanya. Ang sake, ang halik at ang…"Good morning, Mrs. Anderson," boses ni Aslan iyon, sobrang lalim at paos pa dahil sa antok.Napabalikwas si Kasumi. Nang maramdaman niyang wala siyang saplot, muntik na siyang himatayin sa hiya. "A-Aslan! Bakit… bakit tayo nandito?! Anong nangyari?!"Imbes na sumagot, muling lumapit ang lalaki at niyakap siya mula sa likod. "Sabi mo sa akin, I love you, Aslan. At sabi mo pa, magiging responsable na ako sa’yo. Kaya heto, nagpapaka-responsable ako.""Sinungaling!" sigaw ni Kasumi. Nilabas ng lalaki ang phone niya at ipinlay ang isang video. Doon, nakita ni Kasumi ang sarili niya na lasing na lasing, nakapulupot sa leeg ni Aslan at paulit-ulit na sinasabing, "Responsable ka sa akin, ah? Huwag kang aalis."Naramdaman ni Kasumi na parang
Ler mais