Nagkalat ang mga nilukot na papel sa apartment ni Kasumi. Ang bawat isang papel ay may bahid ng frustration, galit at ng mga luhang pilit niyang pinipigilan.Nakatingin siya sa mga kamay niya. Ang kanang kamay niya na ginamit niya para lumikha ng mga obrang nagpabago sa mundo ng fashion. Sinubukan niya, Diyos ang saksi kung paano niya sinubukang pilitin ang kanang kamay niya na humawak ulit ng lapis. Ngunit nanginginig pa rin ito. Bawat guhit ay liko at bawat linya ay sumisigaw ng kapansanan.Pero nang maalala niya ang tawag ni Mr. Solomon kanina, parang may isang maliit na baga na muling nag-alab sa malamig at madilim niyang puso.“Kung hindi na kaya ng kanan… bakit hindi ko subukan ang kaliwa?”Huminga ng malalim si Kasumi. Kinuha niya ang lapis gamit ang kanyang kaliwang kamay. Hindi siya sanay at mabigat. Ibang-iba sa nakasanayan niya ngunit pumikit siya at pinagana ang imahinasyon na hindi kailanman nanakaw sa kanya.Unti-unti, idinikit niya ang dulo ng graphite sa blangkong pap
Read more