Sa kabilang banda, buhat-buhat pa rin ni Aslan si Kira. Tumingin lamang ng masama si Aslan kay Akiro. "Akiro," mariing tawag niya sa anak. Pero bago pa siya makapagbitaw ng salita, sumingit na naman si Margareth."Aslan, please. Huwag dito, umuwi na lang tayo. Tingnan mo basang-basa na si Aki, baka magkasakit siya."Tumingin si Aslan kay Kasumi at kay Kira. Gusto niyang manatili, gusto niyang siguraduhin na okay lang sila. Pero nakita niya ang galit sa mata ni Cohen at ang pag-iwas ni Kasumi sa kaniya. Alam niyang wala na siyang lugar para roon."Umuwi na tayo," malamig na utos ni Aslan.Bago umalis, lumingon siya kay Kasumi saka nagsalita. "Magpapadala ako ng doktor para i-check si Kira.""Hindi na kailangan," putol ni Cohen sa kanya. "May sarili kaming doktor dito. Kami na ang bahala sa anak namin."Tumalikod si Aslan, bitbit ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Kasama niya si Margareth na lihim na nakangisi at si Akiro na tahimik na lumuluha habang hila-hila ng baba
Dernière mise à jour : 2026-03-03 Read More