Habang nakikipag-usap si Kasumi sa tatay ng isang estudyante, may batang kumaripas ng takbo kung kaya't nabangga siya nito. Muntik na siyang matumba pero mabilis siyang nasalo ng tatay ni Ana, isa sa estudyante niya."Okay lang po kayo, Teacher Kasumi?""Opo, salamat."Sa malayo, kinunan ito ng litrato ni Margareth. Sakto ang anggulo dahil mukhang magkayakap ang dalawa. Perfect na perfect sa gagawing plano ni Margareth.Napangisi ang babae saka bumulong.“Bukas na bukas, trending ka na sa group chat ng mga parents. Tingnan natin kung makatagal ka pa sa school na ito, Kasumi!” Samantala sa loob ng kotse, hindi pa rin maalis sa mukha ni Akiro ang pagsimangot. "Huwag ka nang magalit, baby," malambing na sabi ni Margareth. "Alam mo naman ang ugali ng nanay mo. Dati nga noong nagka-chicken pox ka at dini-deleryo ka ng lagnat mo, hindi man lang siya umuwi eh. Mas inuna pa niyang alagaan ang ibang bata sa ospital kaysa sa’yo."Nanlisik ang mga mata ni Akiro nang biglang maalala yun. Tatlon
Dernière mise à jour : 2026-02-11 Read More