Kinabukasan, habang nagluluto si Kasumi ng almusal sa kusina, nag-ring ang phone niya. Pagkakita niya sa caller ID, sinagot niya agad ito."Hello, Kasumi," malambing bungad ni Cohen sa kabilang linya. "Kumusta si Akiro? May lagnat pa ba siya?""Oo, nilalagnat pa rin," sagot ni Kasumi. "Nag-file na 'ko ng leave ngayon, gusto ko sana siyang samahan at alagaan pa."Natahimik saglit si Cohen bago sumagot. "Sige. Samahan mo muna siya. Kawawa naman 'yung bata. Dadaan ako riyan mamaya, dadalhan ko kayo ng pamalit na damit ni Kira."Biglang namuo ang luha sa mga mata ni Kasumi. "Cohen, ang laki na niya. Ang laki na ng ipinagbago niya simula nung umalis ako. Halos kasinglaki na ng paa ko 'yung sapatos niya."Pumiyok ang boses niya sa mga oras na yun. Tumingala siya sa kisame para pigilang tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. "Kasumi, wag mong sisihin ang sarili mo," malumanay na pag-aalo ni Cohen sa kanya. "Wala kang choice noon. Siguro part talaga 'to ng mga pagsubok na kailangan niyong pa
Last Updated : 2026-03-06 Read more