Samantala, sa loob ng kwarto sobrang namumutla na si Aslan. Nakahiga lang siya sa kasama, medyo nahihilo at nanghihina na. Nakatayo sa gilid niya ang kanyang assistant na may dala-dalang pineapple juice. "Boss, 400mL lang naman sana ang kailangan. Bakit niyo pinilit na mag-donate ng 800? Sobrang delikado po niyan para sa katawan niyo."Dumilim ang mga mata ni Aslan habang nakatingin sa kisame. "Gusto ko lang maramdaman kung gaano kahirap na mag-donate ng maraming dugo."Kung siya nga na malusog at malakas na lalaki, nakakaramdam ng hilo at panghihina, paano pa kaya ang isang maliit at may sakit na babaeng tulad ni Kasumi? Sobrang bait talaga ng babaeng 'yon. Kahit ang sariling buhay, isinugal para lang makatulong sa iba.Bumangon nang bahagya si Aslan at lumingon sa pinto. "Asan na si Kasumi? Bakit hindi ka niya kasamang pumasok?"Nag-alangan ang assistant na sumagot ngunit nagpatuloy pa rin, "Uhm, nung nalaman po ni Miss Kasumi na ligtas na 'yung pasyente, umalis na po siya."Kumun
Dernière mise à jour : 2026-03-09 Read More