Umupo siya sa tabi ni Kira, pagkakita sa kanya ng bata, tuwang-tuwa ito. Umakyat ito sa lap ni Aslan at umupo ng komportable. Tinuro ni Kira ang hipon sa mesa, tapos tinuro iyon sa bibig nito. Agad namang sinunod ni Aslan ang ibig ipahiwatig ng bata sa kanya. Agad niyang binalatan ng hipon si Kira, tinanggal ang ulo nito at sinubuan ang bata. Kinagat ni Kira ang kalahati, tapos inilapit ang natirang kalahati sa bibig ni Aslan."Kira!" saway ni Kasumi. "Hindi ganyan! Nakain mo na iyan, Baby! Don't give it to others! Halika nga rito!"Pero imbes na mandiri, kinain ni Aslan ang tirang hipon ni Kira.Napanganga ang lahat.Si Aslan? Ang kilalang maarte at ayaw magpahawak sa iba, kinain ang tira-tira ng bata?!Namangha ang matandang Takahashi, "Grabe, Aslan! Nagbago ka na talaga! Dati ang arte-arte mo, iba tlaga kapag nagiging tatay na!"Tumingin si Aslan kay Kasumi. "Kumpara sa hirap ng nanay niya nung pinanganak siya, wala lang naman ito."Natigilan si Kasumi. Alam niya ang ibig sabih
Dernière mise à jour : 2026-03-03 Read More