LOGINISSA POV:Nagtinginan kaming tatlo ng wala kaming marinig mula sa kanila kaya tumingin kami sa mga magkakaibigan ng ilatag namin sa kanila ang pagkain. Nakatanga sila sa amin lalo na sa mga pagkain na nakaharap sa kanila. Napa kunot ang noo naming tatlo ng makita ang mga hitsura nila na akala mo natuka ng ahas. Lalo na si Finn, Jestoni at Drake na akala mo first time nilang makakita ng ganitong mga pagkain."Is this food for real?" Tanong ni Finn na naka kunot noo. "Hindi na ata ako gutom," ika naman ni Drake na hindi maipinta ang kaniyang mukha.Kung hindi pa sila pinagalitan ni Satanas hindi pa sila kakain. Hindi ko alam kung anong sinabi ng gago sa mga ito pero wala na akong pakialam doon as long as na kumain sila at maubos naming lahat ng pagkain na inorder ko.Napakarami kong inorder kaya dapat lang na maubos lahat ito. Nakapamaywang nga itong si Khristel na humarap sa kanila saka ito nag dakdak ng nag dakdak.Sumasagot din naman itong si Jasmin pero limit lang, natatakot ata n
Napapalumok kaming lahat, hindi ko alam kung kaya ko bang malunok itong mga pagkain na ito. Ok na sanang kumain kahit konti lang pero ng sinabi niyang ubusin...naks, hindi ko naman ata kaya ito sa isip isip ko."Je te donnerai une prime si cette nourriture est terminée (I will give you a raise bonus if this food will finish)," sabi ko na kunyari sa mga kaibigan ako nakatingin. Ngumisi ang mga gago sa aking sinabi lalo na ng sumagot ang aking mga tauhan na sila an raw ang bahala. Naka ngiti kaming magkakaibigan ng biglang lumapit sa amin ang magkakaibigan sabay abot ng plato sa amin. Napatanga kami ng makita naming puno ito ng mga pagkain na hindi namin alam kung anong mga klaseng pagakin ito. Pinagpawisan ako ng malapot, hindi ko alam kung paano ko ito uubusin. Mas mahirap pa ito sa pakikipaglaban ng isang daang katao."Go on try this one... you're gonna love this food I am sure of that... Masarap siya Satanas," ani Issa sa akin.Nasanay na ako sa tawag niyang yan kaya wala ng epekt
KARL POV:Nakatanga ang mga kaibigan ko ng ilantad ni Issay at ang mga kaibigan nito ang pagkain na kanilang binili. Masayang masaya pa man din sila ng dumating kami at takam na takam ang mga hudyo kong kaibigan. Hindi naman ako umimik at tumango lang sa kanila ng sabihin nilang kakain na kami.Hindi na sana ako makikihalubilo sa kanila dahil ayoko ng pagkain na pinamili nila pero hinila ako ni Issay at pina upo sa tabi nito. Masayang masaya silang naglagay ng mga pagkain sa mga plato namin at arap na sarap silang tumikim sa mga pagkain na akala mo ngayon lang sila nakatikim sa tanang buhay nila."Gosh!!! Ang sarap nito, namiss ko ang luto ni aling Linda. Da best talaga siya....hhmmmm....yummy," ani Jasmin sa tabi ni Raven na naka ngiwi habang nakatingin sa kinakain nito." Itong bicol express tikman ninyo at ang laing...ang sarap ng timpla niya...naku nakakamiss ang mga luto talaga ni aling Linda," naka ngiting pahayag naman ni Khristel."Kaya nga namiss ko din ito...mas masaya pa sa
"Mauna na ako sa labas at ilagay ito sa sasakyan. Tatawagin ko si Landon para buhatin ang iba," ani ko. Marami siyang binili kaya nagkusa akong nagbuhat din. Naka ngiti akong lumabas habang bitbit ang mga pinamili nito."Kami na lang ni Landon ang magbuhat ng mga ito," pahayag niya kaya tiningnan ko ito ng masama."Sabi ko nga ikaw na lang," pahayag nito ulit ng sinamaan ko siya ng tingin.Naglakad ako palabas saka tinawag si Landon sa sasakyan. Pinasok nito ang hawak kong pagkain sa likuran. Nagtataka nga ako kung bakit iba siya kung tumingin sa akin."What's wrong? Tanong ko, hindi na kasi ako makatiis. Iba siya kung makatingin kaya naguguluhan ako sa lalaking ito."Ok lang ba sa inyo Sir na ilagay ko ito sa likuran ng sasakyan," pahayag nito."Siyempre alangan naman na sa harapan natin ilagay. Ayusin mo sa likuran at baka matapon," pahayag ko pa."Kasi Sir...ayaw mo namang palagyan yan ng pagkain dati pa kaya nagtataka ako kung bakit ok naman na ngayon," pahayag nito."Hindi ba pwe
Nagulat ako na sa isang maliit na tindahan ng mga pagkain kami pumunta. Akala ko sa isang restaurant pero hindi ko akalain na sa isang napaka ordinaryong kainan ako dinala ni Issa."What kind of restaurant is this? " Wala sa sariling tanong ko, hindi ko alam pero nakakagulat lang na may ganito pa palang kainan."Hindi ito restaurant kamahalan isa itong karindirya...," pahayag niya na kina kunot ng aking noo."K- k karindirya..." nauutal kong pahayag. This is my first time hearing that kaya nababaduyan ako at hindi ko maisa ulo sa pag pronounce. I encounter a lot of difficulties lalo na sa pakikipaglaban pero sa mga ganitong scenario wala akong kaalam alam nito."KARINDIRYA...ikaw naman, first time mo ganern...palibhasa puro pang mayaman ang alam ninyo kaya sa mga ganito wala kang kaalam alam. Hindi mo ba alam na itong karindirya ni aling Linda ang pinaka masarap na natikman naming magkakaibigan. Matikman mo lang ang luto nila dito nakkuuuuu... baka makalimutan mo ang iyong pangalan,"
KARL POV:"I am sorry Sir, may tumawid kasing matanda bigla kaya napa preno ako agad..." Pahayag ng driver na namumutla sa takot sa akin.Muntik ng sumemplang si Issa mabuti na lang at nahawakan ko agad or else baka tumilapon ito sa harapan. Napakalakas ng pagka preno ng aking driver. Mabuti na lang mabilis ang aking galaw. Ngayon lang naman nangyari ito kaya kahit na galit ako kaylangan ko pa ring huminahon.Magaling ang driver kong ito kaya alam kong hindi niya naman ito kasalanan yun nga lang muntik ng may mangyari kay Issa. Yun naman ang ayokong mangyari, hindi ko alam pero sa kaniya ako naka focus ngayon.Pinalabas ko siya para ayusin ang buong pangyayari sa labas, nagsi hintuan din ang mga ibang sasakyan dahil dito. Sinabihan ako ni Issa na hayaan na ang matanda, gusto ko sanang pagalitan ito pero ayaw ng aking kasama kaya hinayaan ko na lang na si Landon ang umayos nito sa labas. Ayaw din akong palabasin ni Issa mukhang alam niya ng magagalit ako.Ayoko naman sanang gawin ito p
Kinabukasan, naligo agad ako dito at nagpalit. Naalala kong mayroon pa pala akong mga gamit dito dahil sa tuwing nagpupunta ako dito, iniiwan ko na ang iba kong mga gamit para kahit na bumalik ako dito may mga damit akong magagamit kapag. Ganoon din ang iba kong mga kaibigan, rotation kami kapag pa
Tumayo ang aking balahibo sa katawan ng makita ko ang lalaking sinipa ko ang itlog kanina. Mukhang sa mukha talaga ako ang pakay nila dito. Nalaman agad nila kung saan ako nakatira, mukhang hindi basta basta ang lalaking ito. Paano na kaya ako ngayon sa isip isip ko habang naglalakad paalis sa lugar
"Who told you to go out? Stay where you are," dumadagundong na boses niya.Nangilabot ako at napatingin sa kanya, napabalik tuloy ako sa aking upuan. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking katawan, natakot ako bigla. Tumingin ako sa kanyang mga mata at ngayon ko lang napansin ang nakakakilabot niy
Malaki ang mga perang kinikita ko dito lalo na sa tuwing may mga bisita kaming dumarating. Malaki sila magbigay ng mga tip, dali dali akong umakyat sa pangalawang palapag para dalhin ang inorder nilang alak. Halatang mayaman ang mga ito dahil sa alak na kanilang in order. Hindi basta basta ang alak







