Kabanata 104Sebastian's POV"Boss, hindi pa rin namin mahanap si Gerald," sabi ng tauhan ko sa kabilang linya.Nakatayo ako sa labas ng funeral parlor, nakasandal sa pader.Palubog na ang araw. Kulay kahel at pula ang kalangitan. Parang dugo.Sa mga panahong ito, lahat na lang ay mukhang dugo sa paningin ko.Ang kausap ko ay si Gabriel, isa sa mga lider ng security team ko.Pitong araw na nila akong hinahanapan ng impormasyon tungkol kay Gerald.Pitong araw na walang resulta.Pitong araw na puro dead end.Pitong araw na nakikita ko ang mukha niya sa bawat news channel habang alam kong malaya pa rin siya.Humihinga pa rin siya."Putang-ina ninyo! Isang linggo ko na siyang pinapahanap!" sigaw ko.Narinig ko ang paglunok ni Gabriel sa kabilang linya."Boss, napuntahan na namin lahat ng dati niyang taguan. Lahat ng hotel, motel, at bahay ng mga kaibigan niya. Wala siya roon.""Kung gano'n, maghanap pa kayo! Suyurin ninyo ang mga abandonadong gusali, warehouse, at bawat sulok ng siyudad k
Read more