Agad na tinanggihan ni Samantha ang ideya. Pero si Billy, tila malalim ang iniisip habang nakatingala, at nagsalita..“May punto ang suggestion ni Lola.”Siyempre, umalma si Samantha. Hindi siya makakapayag. “May punto? No way! over my dead, sexy body!!”Sa wakas ay nakawala na siya sa relasyong ito at naging malinaw na sa kanya ang pagsasama nila ni Billy. Ang mabuting kabayo ay hindi bumabalik sa pinanggalingan—hinding-hindi na siya babalik. Bakit pa niya nanaising makisama sa demonyo, gayong nasa langit na siya?Kahit ano pa ang sabihin ni Billy na hindi valid ang divorce certificate nila, o ang mungkahi ng lola niya na magpakasal silang muli, hindi siya papayag.Mula ngayon, wala nang magdidikta ng buhay niya. Siya na ang may hawak ng sarili niyang kinabukasan at hinding-hindi na siya magiging sunud-sunuran kahit kanino.Nang makita ang matinding paninindigan ni Samantha, lumapit si Billy. Sa harap ng kanyang lola, marahan niyang inakbayan si Samantha at bumulong,“Pag-isipan mo
Read more