HA;OS pumutok ang ugat ni Billy sa kanyang ulo. Talaga palang ganoon kawalang hiya si John Bartolome. Malamang, hindi pa alam ng tita niya at ni Jasmine ang katotohanan, kaya nananatili silang buong pamilya.Ngayon, malinaw na ang lahat. Si Hera, ay anak ni John, kay Lucy, na ipinaako naman ni Lucy sa tatay ni Samantha na si Virgilio.Napakahusay gumanap ng lahat. Matalino at mga tanga.Paano nagawang lokohin ni Virgilio ang original na pamilya, gayong hindi man lang inimbestigahan kung anak ba talaga nito si Hera."Pero.. magkatuladng dugo sina Hera at Samantha. Noong nakunan at kinailangang alisin ang bata sa sinapupunan ni Sam, mismong si Hera ang nag alok ng dugo niya para mailigtas si Sam, subalit ang kapalit niyon, ay ang pagpapakasal ko kay Hera.." Napatingin si Billy kay Denmark.Natawa ang abogado sa kanyang sinabi, saka hinimas nito ang labi, at nilingon ang kaibigan."Naniniwala ka ba don? Hindi maaaring magbigay ng dugo sa isang pasyente ang sarili niyang kamag anak, lalo
続きを読む