Naglakad si Samantha palayo, pilit na pinapatatag ang bawat hakbang kahit na sa loob niya ay tila gumuho ang isang dam ng emosyon. Hindi niya nilingon si Billy. Alam niyang kapag lumingon siya, baka makita niya ang hitsura nitong wasak, at baka manghina na naman ang kanyang puso. Pumasok siya sa loob ng restaurant, ang lamig ng aircon ay agad na yumakap sa kanyang nag-aapoy na pisngi.Namasyal muna siya saglit, saka tumawag sa isang restaurant upang magpareserve ng table. Bago pa man siya makalapit sa lugar, punatak na ag malakas na ulan.PAGDATING NIYA SA LUGAR..Hinanap niya ang kanyang table, ngunit laking gulat niya nang makitang may nakaupo na doon—isang pamilya na masayang kumakain. Tumingin siya sa paligid, puno ang lahat ng mesa. Ang ingay ng tawanan at kalantog ng mga pinggan ay tila nanunukso sa kanyang nararamdamang pag-iisa."Miss, sorry po, wala na po tayong bakanteng table," lapit ng isang waiter sa kanya. "Pero kung gusto niyo po, doon sa may sulok, may isang upuan pa p
Magbasa pa