ANNA'S POV “Bagay sa’yo ‘to.” Napangiti si Elowen habang itinataas ang isang cream-colored dress sa harapan ko. Bahagya akong natawa at umiling. “Parang sobra naman yata ‘yan para sa akin…” sagot ko habang tinitingnan ang presyo nito at hindi maiwasang mapangiwi. “Ano kaba naman, Anna...,” putol niya agad habang nakataas ang isang kilay. “Nakatira ka sa mansyon kasama namin, sa mansyon ni Alexander Rozanoz. Mas nakakahiya kung mukha kang pinapabayaan. At tsaka, hindi rin naman mauubos itong ATM na ipinadala niya sa akin kasi ayaw mo tanggapin...kahit bilhin mo pa lahat ng makikita mo rito sa loob ng mall. Napatawa ako nang mahina. Ganito talaga si Elowen. Diretsyo magsalita, walang preno ang bibig. Ngunit totoo din naman. Simula nang bumalik ako sa mansyon… pakiramdam ko unti-unti akong bumabalik sa dating ako. Sa mas tahimik. Mas ligtas. Mas maayos na buhay. At malaking parte no’n ay dahil sa dalawang taong hindi ako hinayaang tuluyajg sirain ang buhay ko at binigyan ako
Ler mais