ELOWEN GARCIA-ALDEGUIRE'S POV (Continuation....) “Start talking,” malamig kong sabi habang nakatingin diretso kay Jacob. Hindi siya agad sumagot. Sa halip… bahagya muna siyang napabuntong-hininga, saka isinandal ang likod sa couch. Tumagilid ang ulo niya, parang inaalala ang eksaktong nangyari. “I was near the school earlier,” panimula niya. “May inaayos lang ako… then I saw him.” Naramdaman kong bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko. “He wasn’t alone.” Napakunot ang noo ko. “With who?” “Some girl,” sagot niya. “Same age. Mukhang classmate niya o ano. Hindi ako sigurado." Hindi ako nagsalita. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya, hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. "At first...I thought they were just having a normal conversation,” dagdag niya. “But I suddenly notice the way he was looking at her…” Bahagyang tumaas ang kilay ko. “Don’t tell me…” usal ko. Napangisi siya nang bahagya. “Yeah,” sagot niya. “Your son… might be interested in that
Read more