ELOWEN GARCIA'S POV Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang panginginig ng mga kamay ko. Habang ramdam ko pa rin ang init ng mga palad niya sa aking balat, parang isang marka na ayaw mabura. “Jacob,” mariing bulong ko, mababa ngunit matalim ang tono, “huwag mo akong itulak sa sitwasyong pagsisisihan nating dalawa.” Sa sinabi kong iyon ay bahagya siyang ngumiti. Hindi malaki, hindi rin mayabang, pero may bahid ng banta. “Too late for that,” mahinang sagot niya. “You’re already in it.” Sa labas ng pinto ay muling umalingawngaw ang boses ni Xavier. “What the h*ll are you doing there, Elowen?!” Napapikit ako saglit. Isang segundo lang. Isang segundo para pigilan ang sarili kong tuluyang bumigay sa taong nasa harapan ko ngayon. “Makinig ka sa’kin,” bulong ko kay Jacob, mas lumapit ako sa kanya hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko para hindi kami marinig ni Xavier. “Kung may mangyari sa’kin ngayon, kung may nakakita sa pagpasok mo rito ay hindi lang ikaw... kundi
Huling Na-update : 2026-01-24 Magbasa pa