OLIVIA JUAREZ'S POV "Ate!!!" malakas na salubong sa akin ng kapatid ko ng matanaw niya akong papasok sa loob ng bahay. Kaagad akong napangiti, then opened my arms widely to welcome her in my arms. "Hello, Kara..." malambing kong usal, marahang hinahaplos ang kanyang buhok at binuhat Siya patungo sa kusina. "May dala po kayo Jollibee?" excited niyang tanong matapos ko siyang ilapag sa upuan sa harapan ng lamesa. Sandali ko siyang pinaningkitan ng mata, inaasar at nang makita kong sobrang lawak pa rin ng kanyang ngiti ay nakonsensya ako at ipinakita sa kanya ang bitbit kong fried chicken na binili ko sa Jollibee. "YEY!!!" she said happily while clapping her hands. "Nasaan ang ate mo?" tanong ko nang hindi ko siya makita sa sala. "Nasa kusina po, naghuhugas ng pinggan..." paliwanag niya. Isang mabigat na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago unti-unting yumuko sa bunso kong kapatid. "Kumain kana. Pupuntahan ko muna ang ate mo para makasabay na rin siya sa 't
Ler mais