تسجيل الدخولPinantaasan ng kilay ni Elyan si Ara nang ipakita nito ang napili nitong damit mula sa rack.
Matapos kasi ang kanilang activity sa theatre ay agad na silang dumiretso upang mag-shopping. Balak sana niyang ibuhos ang oras at atensyon sa paggawa ng activity na ipinadala ni Yugi sa kanyang email, ngunit nagpumilit ang dalaga at sinabihan siya nito na mamaya na niya iyon gawin.
Bukod pa roon ay tinawagan siya ni Lorea at inaaya siya nitong sumama sa kanila u
Pinantaasan ng kilay ni Elyan si Ara nang ipakita nito ang napili nitong damit mula sa rack.Matapos kasi ang kanilang activity sa theatre ay agad na silang dumiretso upang mag-shopping. Balak sana niyang ibuhos ang oras at atensyon sa paggawa ng activity na ipinadala ni Yugi sa kanyang email, ngunit nagpumilit ang dalaga at sinabihan siya nito na mamaya na niya iyon gawin.Bukod pa roon ay tinawagan siya ni Lorea at inaaya siya nitong sumama sa kanila upang manood ng sine. Tumanggi siya at gumawa na lang siya ng dahilan na may importanteng pinapagawa sa kanya ang kanyang ama.Kaya naman sa mga sandaling iyon ay kabado siya na baka makasalubong niya sila.Ayaw na niyang mag-isip ng kung ano ang mga ito, lalo na at nagdahilan lang naman pala siya.In truth, she just wanted to stay away from Jessica."Hindi ba't ang sabi mo, mas bagay sa 'kin ang clean-girl vibe? Bakit ngayon ay ipinagduduldulan mo sa 'kin 'ya
"Kamusta ka naman doon sa Makati?" tanong ni Levian sa anak. "Kumakain ka ba nang maayos? May trabaho ka ba? Anong trabaho mo? Saan ka nakatira? Ang sabi sa amin ni Ara ay nasa iisang apartment lang kayo ni Aki. Meron tayong bahay doon malapit sa Donald-Walyen University, pero ayaw mong tirahan?"Natigil si Yugi sa kanyang kinakain sa sunod-sunod na tanong na iyon ng kanyang ina. Bago siya sumagot ay uminom muna siya ng juice at hindi nagtagal ay agad na rin niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos."Ayos ho ako roon. Hindi naman ako nagkakaroon ng kahit anong problema," sagot niya na agad na ikinatango ng kanyang mga magulang. "I am working as a professor at Mr. Yal's university, and I've been working there for nearly five years."Right now, napagdesisyunan ko nang tumira sa bahay malapit sa university dahil walang ibang ginawa si Ara kundi ang paringgan ako. Other than that, nandoon na rin si Elyan."Natigil sa pagkain ang ka
Bagama't magkasama sa iisang room at magkatabi ang kanilang mga upuan, wala pa ring imik hanggang ngayon sina Elyan at Jessica sa isa't isa. Pareho silang walang imik sa mga sandaling iyon matapos ang usapan na namagitan sa kanilang tatlo nina Ara kanina."It's nice to meet you too, Ara," anas ni Jessica at nakipagkamay pa sa dalaga. "I think I saw you before. Hindi lang kasi kita masyadong napapansin dahil palagi kayong magkasama ni Arthur. Ang akala ko…""Well, mas gugustuhin ko pa ngang makasama ang lalaking 'yon kaysa sa kung sino-sino!" mataray nitong sambit. "I prefer that guy over some girls who let their friends down. At least, si Arthur prangka, hindi katulad ng iba na kaibigan ngang maituturing pero traydor naman."Jessica turned to Elyan and then back at Ara. "Traydor? You're talking about one of your friends, right?"She shook her head. "No. Wala akong traydor na kaibigan. Itong si
Matapos ang ilang oras na pagbibiyahe ay tuluyan na ring nakarating sina Lester at Yugi.Right after Yugi turned off the engine, isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya at hindi nagtagal ay sumandal sa kanyang kinauupuan. Pumikit siya at dinamdam ang katahimikan sa loob ng sasakyan kasama ang kanyang kapatid.Sa kabilang banda ay ganoon din ang ginawa ni Lester. Sa puntong iyon ay pareho silang tila ba gusto munang manatili sa loob ng kotse.Yugi was anxious about what might happen if he finally faced his parents. Lester was beyond irritated and outraged about Vivian, including her schemes.Sinagi ni Lester ang kanyang kapatid. "Mamá is approaching us."Agad na tinanggal ni Yugi ang nakatakip na panyo sa kanyang mga mata at umayos ng upo. Ilang saglit pa ay inayos niya ang kanyang sarili at muli ay nagpawala ng isang malalim na buntung-hininga.Halos sabay silang lumabas ni Lester mula sa kots
Nakasimangot na bumalik sa kanyang kwarto si Vivian nang ipagtabuyan siya nina Kaliya at Talia. Hindi niya akalain na bago pa man siya makapagsalita ay agad na siyang sinabihan ng mga ito na walang kwenta ang kanyang mga sasabihin."Why are we even listening to you? Sigurado naman kaming nagsisinungaling ka na naman! At sigurado rin kami na wala kang matinong sasabihin. You are just going to make a fool of us!""We don't trust you, Vivian! Mas mabuti pang huwag ka nalang magsalita. Kung sa tingin mo, magagawa mo kaming pasunurin sa gusto mo, tulad ng ginagawa mo kay Mamá, hindi mangyayari 'yon!""Ayaw ka namin para sa mga kuya namin. They deserve better than you. At kahit anong gawin mo ay hindi ka namin matatanggap!"Ikinuyom niya ang mga kamao niya nang marinig niya ang pahayag na iyon ng kambal. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya kasunod niyon ay napapikit siya nang hawakan niy
"Alam mo?" dismayadong anas ni Ara habang nakapameywang sa harap ng dresser ni Elyan. "Hindi naman sa nilalait kita…pero suggestion ko lang, palitan mo na 'tong mga damit mo. Wala na sa uso ang mga 'to."Agad na umangat ang isang kilay ni Elyan sa sinabing iyon ni Ara. Nahinto siya sa pag-aayos ng kanyang sarili sa salamin at hinarap ang dalaga."Anong wala na sa uso?" saad niya. "Ang mamahal kaya ng mga bili ko dyan! For your information, branded ang mga 'yan at hindi ko lang basta binili sa ukay-ukay."Natawa si Ara at naupo sa dulo ng kama ni Elyan. "Of course I know that! Anong tingin mo sa 'kin? Hindi alam ang pinagkaiba ng damit na mamahalin sa ukay-ukay? Ang sinasabi ko lang, hindi bagay sa 'yo ang ibang mga binili mong damit. Other than that, hindi rin akma sa kulay mo."Muling humarap si Elyan sa salamin at akmang maglalagay na siya ng lipstick sa kanyang mga labi ay natigil siya nang hablutin iyon ni Ara."
For the third time, Elyan finally felt Professor Yugi's body and lips against hers. Sure, she talked to her friends about what plan she should follow for seducing Professor Yugi — to make him fall for her even more. Pero palalapasin pa ba niya ang isang pagkakataon na nasa harapan na niya? Beside
Inaasahan ni Yugi na maagang matatapos ang tutoring session nila ni Elyan sa araw na iyon. Ngunit ang masaklap ay inabot iyon ng tatlo hanggang apat na oras.Gustuhin man niyang magpaalam at iwan ang dalaga upang magtungo siya sa kanyang extra job, minabuti na lamang niyang manatili. Hindi iyon dah
"Tutal naman at may gusto ka sa kanya at paniguradong may gusto rin siya sa 'yo. Paano kaya kung…makipagrelasyon nalang kayo sa isa't-isa?"Hindi magawang alisin ni Yugi ang sinabing iyon ni Aki sa kanya. Kung tutuusin ay hindi lamang iyon kundi pati na rin ang iba pa nilang napag-usapan kagabi."Fi
Pagpasok pa lang ni Yugi sa kanilang apartment ay agad na bumungad sa kanya si Aki na nakaupo sa sofa. Kaharap nito ang ilang bote ng beer habang ang mukha nito ay pulang-pula sa mga sandaling iyon. Base sa ilang bakanteng bote ng beer na nasa harapan nito, kanina pa ito umiinom. Inaasahan niya na







