Namilog ang mga mata nina Jessica, Malea at Lorea nang marinig nila ang buong kuwento ni Elyan tungkol sa naganap na eksena sa pagitan nila ng professor.Agad na binitawan ni Jessica ang hawak nitong mug ng kape habang ang magkapatid naman ay tila ba walang balak na kumurap sa mga sandaling iyon.Elyan, on the other hand, was silently giggling inside her head. Noong una, maging siya ay hindi makapaniwala sa nangyaring iyon, ngunit sa tuwing naaalala niya iyon ay tila ba kinukuryente siya ng kilig.Finally, her plan has come to fruition, but not yet.Hindi sapat ang isang gabi upang makuha niya nang buo ang binata. Marami pa siyang gustong gawin at marami pa siyang balak upang tuluyang mahulog ito sa kanyang bitag."He did that?" Maya-maya'y gulat na anas ni Jessica. "Seryoso ka? Baka naman iniisahan mo na naman kami para maniwala kami dyan sa mga pakulo mo? Naku, Elyan…""At anong dahilan para magsinungaling ako?" taas-kilay niyang sambit. "Saka bakit pa ba kayo nagdadalawang-isip na
Zuletzt aktualisiert : 2026-03-04 Mehr lesen