LOGINIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Elyan habang naglalakad sila patungo sa coffee shop sa tapat ng university. Bagama't hindi naman ganoon kainit sa mga oras na iyon, ngunit nag-iinit hindi lamang ang kanyang magkabilang pisngi kundi pati na rin ang kanyang buong sistema.Sa puntong iyon kasi ay hindi pa rin niya malimutan kung paano siya hagkan ni Yugi nang muntikan na siyang matumba. Kahit saglit lang ay naramdaman niya ang init ng katawan nito.Bukod pa roon ay tila ba ayaw niyang bumitaw ang mga kamay nito sa pagkakahawak sa kanyang baywang at likod.She wants his hands to stay there just for a while, habang dinaramdam niya ang maskuladong mga bisig at dibdib ng binata. Napalunok siya sa mga sandaling iyon at hindi kalaunan ay humugot ng isang malalim na buntung-hininga.Kung wala lang si Arthur sa paligid nila ngayon, kanina pa niya hinila si Yugi patungo sa lugar kung saan ay silang dalawa lang. Pero nasisigurado naman niya na hindi r
Trenta minuto na ang nagdaan simula nang matapos ang usapan nilang dalawa ni Yugi, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin malimutan ni Arthur ang napag-usapan nila ng professor.Sa puntong iyon ay lihim na lamang siyang natatawa dahil sa inasta nito, ganoon din sa mga sinabi nito. Napailing siya habang binabalikan ang mga sinabi ng binata."It's just all in your head. Nag-iisip ka ng mga bagay na wala namang katotohanan." Everyone he knows, including Elyan, always says he's a bit crazy. Kung noon ay nagagawa niyang umiyak at magwala sa pahayag at pag-aakalang iyon sa kanya ng ibang tao, ganoon din sa kanyang mga kakilala; ngayon ay hindi na niya alintana iyon.Kung tutuusin, wala na siyang pakialam kung ano ang opinyon nila sa kanya.Simula nang makilala niya ang kanyang college professor na si Mr. Halero ay nagbago na ang pananaw niya sa sarili niyang pag-uugali at pagkatao. He's now agreeing to people that he's not just weird, but somehow madly insane.Not just Yugi, but he's certa
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin sina Professor Yugi at Arthur sa school garden. Sa puntong iyon ay hindi alam ni Yugi kung anong dahilan ng binata kung bakit gusto siya nitong kausapin.The truth is, that's the last thing he wants to do.Hangga't maaari ay ayaw niyang makipag-usap o makipagharapan dito. Ayaw niyang marinig kung ano man ang sasabihin nito — lalo na kung tungkol lang din naman kay Elyan.Is he being immature?Not really.Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang mahalata nito kung ano man ang reaksiyon na guguhit sa kanyang mukha sa mga susunod na sandali."Bakit gusto mo 'kong—"Naputol ang sasabihin niya nang padabog na iabot ni Arthur sa kanya ang hawak nitong bouquet at shopping bag. Tinapunan niya ng tingin ang mga iyon at hindi kalaunan ay kunot-noong binalingan ang binata.Sa kabilang banda naman ay umupo si Arthur sa stone bench na nasa gilid ni Yugi.Blangko ang reaksiyon nitong nakipagtitigan sa kanya pero ilang saglit
Hindi matukoy ni Yugi kung ano ang mararamdaman niya sa mga sandaling iyon. He picked up his phone, then he put it down. He wanted to stand up and approach her, but then he sat back down.He wanted to talk to her, but he doesn't think that this was the right opportunity to do that. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya, kasunod niyon ay napahilamos siya sa kanyang mukha. Hanggang sa mga sandaling iyon ay iniisip pa rin niya ang narinig niya mula sa binatang kasama ni Elyan. Arthur Dela Cruz. Nang ipakilala ng lalaking iyon ang kanyang sarili bilang boyfriend ni Elyan, kitang-kita ni Yugi kung paano kumapit ang dalaga sa bisig nito. Bukod pa roon ay hindi nito itinanggi na boyfriend nito ang binata. Nanatili itong nakatitig kay Arthur. Kaya naman, dahil sa naging reaksiyon na iyon ng dalaga, biglang nakaramdam ng pag-iinit ng tuktok si Yugi. Hindi niya tiyak kung bakit pero sa puntong iyon ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang lapitan ang nobya. Is she his
Umangat ang dalawang kilay ni Arthur matapos nitong marinig ang sinabi ni Elyan. Naningkit ang mga mata nitong tinapunan ng tingin ang dalaga habang tila ba inaabangan nito ang susunod pang sasabihin ng kaibigan.Sa kabilang banda naman ay nanatili pa ring walang imik si Elyan sa mga sandaling iyon. She's expecting Arthur to do what she told him. Kung tutuusin ay malinaw ang naging kondisyon niya upang tuluyan niya na itong mapatawad.Nasa binata nalang ang desisyon kung susundin nito ang gusto niya at ipinag-uutos niya.Ngunit hindi kalaunan ay nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay nang humagalpak ng tawa ang binata. Mabuti na nga lang at wala pang masyadong tao sa loob ng library. Ang masaklap ay nandoon si Professor Yugi na sa mga sandaling iyon ay hindi maipinta ang mukha."Anong tinatawa-tawa mo?" iritableng tanong ni Elyan, sabay pingot sa tenga ng kaibigan. "May nakakatawa ba sa sinabi ko? I am serious–"Muli ay humagalpak ng tawa si Arthur.Kaya naman nang hindi siya nakati
"Wow!" nakapamulsang anas ni Arthur. "Is this the university that Tito Yal has co-founded? Not bad! Maganda ba ang quality ng pagtuturo nila rito? Given how much the tuition fee is for every semester, I hope it is as much as I am expecting."Tumaas ang isang kilay ni Elyan sa sinabing iyon ng binata. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay mabilis pa sa alas kuwatro niyang hinampas ng libro ang kaibigan.Kunot-noo siya nitong tinapunan ng tingin at dali-daling hinablot mula sa kanya ang mga hawak niyang libro. Akmang kukunin niya na iyon ay agad nitong itinaas ang kamay nito upang hindi niya maabot ang mga iyon."Give me back my books!" She commanded.Naningkit ang mga mata nito at napailing. "No! Anong silbi ng mga librong 'to kung gagawin mo lang na panghampas sa 'kin? Namumuro ka na! Pasalamat ka at kaibigan kita dahil kung hindi–""Ano?" Nanlaki ang kanyang mga mata. "Anong gagawin mo? Kung gusto mong dagdagan ang kalokohang ginawa mo no'ng birthday ko, feel free to do it. Pero kapag






![My Professor, My Fuck Buddy [SSPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
