Part 1 “Besh! Gising!” yugyog ni Angel sa kaibigang natutulog sa sofa. Agad namang iminulat ni Ezra, ang kaniyang mga mata, sabay kisap-kisap nito. “Bakit ba Besh? May kailangan ka ba?” tanong niya, na halatang nabitin sa tulog. “May offer ako sa'yo,” masiglang sagot ni Angel. Pagkarinig ay agad namang nagising ang diwa ni Ezra. “Huh! Pera ba?” “Hay, naku. Alam mo girl, ang bilis talaga ng radar mo kapag pera na ang usapan.” “Aba, siyempre! Alam mo namang pera is life tayo ngayon.” “Sabagay,” sang-ayon ni Angel, sabay upo sa tabi niya. “Wait lang mag-aayos lang ako,” saad niya at inayos ang sarili. “Anong raket ba iyan? Malaki ba kitaan?” “Well…kung papasa ka. Malaki talaga ang kikitain mo. May pabahay, pakotse, at malaki ang ibabayad sayo, may bunos pa.” “Talaga!?” napatayo naman si Ezra sa sobrang tuwa. “Ano ba ang trabaho?” “Asawa. You have to act, na maging asawa ni tito Daryll,” paliwanag naman ni Angel. “Wait, what!? Asawa ng Tito mo?” gulat na tanong ni Ezra. “
Huling Na-update : 2026-01-27 Magbasa pa