Share

Chapter 5

Author: Calut qho
last update Huling Na-update: 2026-02-02 16:05:35

SAMANTALA, habang mahimbing na mahimbing ang tulog ni Ezra ay dahan-dahang idinilat ni Daryll ang mga mata.

Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at sa hindi maipagkakailang malakas na hilik ng babaeng nasa kama. Napalingon siya sa direksyon nito, at hindi niya napigilang mapasinghal ng maikling tawa.

“Grabe… kung makahilik parang hindi babae,” bulong niya.

Bago pa man niya mailihis ang tingin, bigla itong nasamid sa sariling laway, napaubo nang bahagya, saka muling humilik na parang walang nangyari. Napailing na lang si Daryll, bahagyang iniangat ang katawan mula sa sopa upang masilip ito nang mas maigi.

Sa liwanag ng munting night lamp, malinaw niyang nakita ang mukha ni Ezra—relaks, walang bakas ng kaingayan at kapilyuhang kanina lang ay muntik nang magpawala ng kaniyang katinuan. Ang noo nitong bahagyang nakakunot, ang labi’y nakabukas nang kaunti, at ang buhok na magulong nakasabog sa unan.

“Hanggang pagtulog talaga ang kulit at ang ingay mo pa rin,” mahina niyang usal.

Hindi niya namalayang nakatayo na pala siya sa tabi ng kama. Saglit siyang nag-alinlangan, at tila may bumubulong sa isip niyang bumalik na lang sa sopa. Ngunit bago pa man siya umatras, muling umungol si Ezra, saka gumulong—diretsong yumakap sa walang laman na espasyo sa tabi niya.

At doon, parang may kumurot sa dibdib ni Daryll.

“Lintik ka…” mahina niyang mura.

Huminga siya nang malalim at maingat na umupo sa gilid ng kama. Bahagya niyang inayos ang kumot na halos mahulog na sa balikat ng babae. Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang kumapit ang kamay ni Ezra sa laylayan ng kaniyang damit.

Huminto siya at nilingon ito.

“Ezra?” mahinang tawag niya.

Hindi ito sumagot. Huminga lang ito nang malalim, at mas lumakas pa ang pagkakapit, na tila takot na takot na mawala ang kung anong nasa panaginip nito. Saglit na napapikit si Daryll, dama ang init ng kamay nito kahit sa manipis na tela ng kaniyang suot.

Hindi niya alam kung ilang segundo siyang nanatiling ganoon—nakaupo, at hindi gumagalaw habang nakatitig sa babae.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni Ezra mula sa kaniya at maingat na inayos ang katawan saka kinumutan ito. Akmang tatalikod na siya nang bigla na naman itong umungol.

“Mom…” mahina nitong bulong.

Natigilan si Daryll at muling lumingon. Sa pagkakataong 'to, may bahid ng luhang dumaloy sa pisngi ng babae.

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kaniya ng makita iyon. Dahan-dahan siyang bumalik sa kama, at nakita niya kung paanong muling bahagyang gumalaw ang labi nito, na tila may hinahanap kahit sa panaginip.

“Mom…” muli nitong usal, mas mahina, at mas basag.

Nanikip ang dibdib ni Daryll. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong biglang bumigat sa kaniya—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag, ni hindi niya gustong pangalanan. Marahan siyang yumuko, sapat lang para masilayan ang mukha ng babae nang mas malapitan.

Hindi na ito humihilik. Tahimik na ang paghinga, ngunit bakas sa pagitan ng mga kilay nito ang lungkot na parang hindi pa rin nito lubos na iniiwan kahit sa pagtulog.

“Nanaginip ka lang,” bulong niya, hindi niya alam kung para kay Ezra o para sa sarili niya.

Marahan niyang inangat ang kamay at, sa isang iglap ng kahinaan, bahagyang hinaplos ang buhok nito na agad naman niyang binawi. Na para bang tinamaan siya ng kidlat, sa bilis ng pagbawi ng kamay na para bang nasunog.

Tumayo siya at umurong ng isang hakbang.

“Nanaginip lang siya,” mahina niyang sabi sa sarili.

Bumalik siya sa sopa, humiga, at pilit ipinikit ang mga mata. Ngunit kahit anong gawin niya, malinaw pa rin sa isip niya ang imahe ni Ezra—ang mahigpit na kapit, ang mahinang tawag, at ang kakaibang kirot na hindi niya inaasahang mararamdaman. Gayunpaman, bigla siyang nakaramdam ng lungkot para sa babae.

Sa likod pala ng pagiging makulit at masayahin nito ay may nakatagong sakit—isang lungkot na marahil ay matagal nang kinikimkim, tinatakpan ng tawa at biro upang hindi mahalata. Para bang bawat ngiti ni Ezra ay may kapalit na pagod, bawat halakhak ay may kasamang pakiusap na huwag na siyang tanungin pa. At sa sandaling iyon, doon niya napagtantong hindi pala siya ang nag-iisang may dinadalang bigat. May mga sugat na hindi sumisigaw, ngunit mas masakit dahil tahimik lang itong nagdurugo

Itutuloy… 🔥

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY UNEXPECTED LOVE    chapter 7

    MATAPOS ang agahan ay halos sabay na silang tumayo mula sa mesa. Tahimik lamang si Daryll habang inaayos ang manggas ng kaniyang long sleeve, na tila abala sa pag-iisip. Samantalang si Ezra ay mabilis na nagligpit ng kinainan, hindi mapigilang mapangiti sa sariling plano. “Kunin ko lang ang bag ko,” aniya, pilit pinananatiling kaswal ang boses. Hindi sumagot ang lalaki. Tanging tango lamang ang iginawad nito bago tuluyang naglakad palabas ng dining area. Hindi na nag-aksaya ng oras si Ezra. Mabilis siyang umakyat sa silid upang kunin ang kaniyang bag. Habang inaayos ang laman nito ay agad niyang hinugot ang cellphone at nagtype. Ezra: "Papunta ako sa Condo mo, abangan mo ako sa lobby. Ihahatid ako ng kumag mong tiyuhin." Agad na nag-seen ang kaibigan. Angel: "Huh? Naku wala ako ngayon sa Condo. Lumabas ako." Nanlaki ang mga mata at agad na nag-panic si Ezra. Nagsinungaling lang siya sa lalaki kanina. ang totoo ay wala namang silang usapan ng kaibigan. At hindi movie

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 6

    KINAUMAGAHN nagising si Ezra sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang pisngi mula sa pagitan ng kurtina. Bahagya siyang napaungol habang iniunat ang katawan, ramdam niya ang bahagyang paninigas ng kaniyang mga balikat at likod. Sandali siyang napatitig sa kisame, na tila sinusubukang alalahanin kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng paggising niya. Tahimik ang silid. Masyadong tahimik. Bagay na bigla siyang napabangon at napalingon sa kabilang bahagi ng kama. Bahagya siyang napakunot-noo at mabilis na iginiya ang tingin sa sopa. Wala na roon ang lalaki. Malinis at tila walang bakas na doon ito natulog kagabi. Wala na roon ang unan at kumot na nilatag nito. “Ang aga naman niyang nagising…” bulong niya sa sarili, saka bahagyang napangiwi. “Ah, baka nasa ibaba na,” dagdag pa niya, pilit na pinapakalma ang sarili kahit hindi naman niya alam kung bakit kailangan pa niya iyon gawin. Tumayo siya mula sa kama at dumeretso sa banyo. Agad siyang nagbukas ng shower, at sinalubong siya ng mala

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 5

    SAMANTALA, habang mahimbing na mahimbing ang tulog ni Ezra ay dahan-dahang idinilat ni Daryll ang mga mata.Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at sa hindi maipagkakailang malakas na hilik ng babaeng nasa kama. Napalingon siya sa direksyon nito, at hindi niya napigilang mapasinghal ng maikling tawa.“Grabe… kung makahilik parang hindi babae,” bulong niya.Bago pa man niya mailihis ang tingin, bigla itong nasamid sa sariling laway, napaubo nang bahagya, saka muling humilik na parang walang nangyari. Napailing na lang si Daryll, bahagyang iniangat ang katawan mula sa sopa upang masilip ito nang mas maigi.Sa liwanag ng munting night lamp, malinaw niyang nakita ang mukha ni Ezra—relaks, walang bakas ng kaingayan at kapilyuhang kanina lang ay muntik nang magpawala ng kaniyang katinuan. Ang noo nitong bahagyang nakakunot, ang labi’y nakabukas nang kaunti, at ang buhok na magulong nakasabog sa unan.“Hanggang pagtulog talaga ang kulit at ang ingay mo pa rin,” mahina niyan

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 04

    PAGKATAPOS ng buong araw na kwentuhan, agad silang nagpaalam sa magulang na magpapahinga na sa silid na inihanda para sa kanila. Pagkapasok sa silid, agad naman nilang inihanda ang sarili para maagang makakapagpahinga.“Teka, dito ba talaga tayo matutulog? Wala bang secret, passage papunta sa kabilang silid ang kuwartong ito?” tanong ni Ezra.“Wala. Kaya wag kanang maarte riyan,” sagot ni Daryll habang inihuhulog ang necktie sa isang upuan.“And by the way, dito ako sa kama. Ikaw…. Bahala ka na kung saan mo gustong matulog.”Dahil sa sinabi, napanganga na lamang si Ezra, saka napataas ng isang kilay. “Ano!? Ako? Hihiga sa kahit saang parte ng silid na ‘to? Tapos ikaw, sa malapad at malambot na kama matutulog? Aba! Napaka-unfair mo yata.”“Unfair? Walang unfair dun. Hindi kasi ako sanay na may katabi matulog kaya, diyan ka na lang siguro sa sofa, at dito naman ako sa kama.”Agad namang napakunot ng kaniyang noo si Ezra, sa hirit ng asawa. “Kung ikaw kaya, matulog rito sa sofa. Tapos a

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 03

    MATAPOS makakuha ng marriage certificate, ay agad namang sumakay sina Ezra at Daryll sa sasakyan upang magtungo sa bahay ng magulang upang ipakilala si Ezra sa ina. “Magandang araw po senyorito,” bati ng mayordumang sumalubong sa kanila. “Nasa terasa na po ang mommy ninyo naghihintay sa pagdating niyo? “Sige po Manay, pupuntahan na lang namin dun si Mommy,” pagkasabi, agad namang hinawakan ni Daryll, ang kamay ni Ezra. At saka hinila ito patungong terasa. “MOM, narito na ang manugang na hinihingi niyo sa akin. Mahal meet my Mom, Amelia. Mom meet Ezra my wife.” “Magandang araw po Tita,”bati ni Ezra, pagkatapos lumabas sa likuran ni Daryll. “Hump, hindi maganda ang araw ko ngayon Dar, ilang araw mo nanag in–indian ang tawag ko sayo–” “Here, siguro naman masaya ka na sa balitang ‘yan,” putol ni Daryll sa sasabihin ng ina sabay abot ng marriage certificate nilang mag-asawa. Ngumiti at agad namang umaliwalas ang mukha ng ina pagkakita sa sertipikong iniabot ni Daryll. “Naku, Iha,

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 02

    HABANG nakikipag-usap si Daryll sa kliyente, panay ang unog ng kaniyang cellphone sa kaniya bulsa, bagay na pasimple niya itong tiningnan. “Anak ng tokwa!” bulalas niya, bagay na mabigla rin ang kaharap. “May problima po ba, Mr. Monteverde?” Tanong ng kausap. Agad namang napatingin si Daryll sa kausap at pilit iyong nginitian. “No, Mr. Chui. May nakita lang akong hindi kaaya-aya. Sige po, ituloy niyo lang po ang sinasabi niyo.” “Ah, sige.” Ipinagpatuloy nga ng kausap ang diskusyon, at muling itinuon roon ni Daryll, ang atensyon at hinayaan na muna ang pagtunog ng kaniyang cellphone. “Paano, Mr. Monteverde, mauna na kami.” “Sige po mr Chui, ingat.” Tugon naman ni Daryll, matapos magpaalam ng kausap. Nang makaalis siI mr. Chui, dali-dali namang binuksan ni Daryll ang kaniyang cellphone. At laking gulat niya nang bumungad ang bumabang notification mula sa bangko. “Pambihira, El. Kontakin mo nga yung ang manager ng Bar,” utos niya sa kanang kamay na agad naman nitong sinunod.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status