Share

MY UNEXPECTED LOVE
MY UNEXPECTED LOVE
Author: Calut qho

Chapter 01

Author: Calut qho
last update publish date: 2026-01-27 15:36:55

Part 1

“Besh! Gising!” yugyog ni Angel sa kaibigang natutulog sa sofa.

Agad namang iminulat ni Ezra, ang kaniyang mga mata, sabay kisap-kisap nito. “Bakit ba Besh? May kailangan ka ba?” tanong niya, na halatang nabitin sa tulog.

“May offer ako sa'yo,” masiglang sagot ni Angel.

Pagkarinig ay agad namang nagising ang diwa ni Ezra. “Huh! Pera ba?”

“Hay, naku. Alam mo girl, ang bilis talaga ng radar mo kapag pera na ang usapan.”

“Aba, siyempre! Alam mo namang pera is life tayo ngayon.”

“Sabagay,” sang-ayon ni Angel, sabay upo sa tabi niya.

“Wait lang mag-aayos lang ako,” saad niya at inayos ang sarili. “Anong raket ba iyan? Malaki ba kitaan?”

“Well…kung papasa ka. Malaki talaga ang kikitain mo. May pabahay, pakotse, at malaki ang ibabayad sayo, may bunos pa.”

“Talaga!?” napatayo naman si Ezra sa sobrang tuwa. “Ano ba ang trabaho?”

“Asawa. You have to act, na maging asawa ni tito Daryll,” paliwanag naman ni Angel.

“Wait, what!? Asawa ng Tito mo?” gulat na tanong ni Ezra.

“Yes.”

“Teka… sampong taon ang tanda nun sa akin eh,” mariing reklamo niya.

“Kaya nga kailangan mo lang um-acting. Kailangan kasi niyang maghanap nang mapapangasawa dahil iyon ang utos ni Grandma. At saka ano bang masama roon? Nasa tamang edad ka na naman, kaya okay lang iyon. You're Twenty-five already, tapos s’ya Thirty-five. Wala namang problima dun. Ika nga, Age doesn't matter.”

“Haist, iyan ka na naman sa pa ika-ika mong iyan. Baka pa-ika-ika ako niyan pagkatapos.”

Hindi naman maiwasang matawa ni Angel sa sinabi niya. “Hindi ka naman yata gagalawin ni Tito eh, basta need niyo lang talaga magpakasal at ipakita ang marriage certificate kay Grandma. And then okay na. Magsasama lang yata kayo hanggang sa magunaw ang mundo.”

“Huh! Magsasama kami forever?”

“Hindi ko alam, baka until mag-decide si Tito na ipa-annul ang kasal niyo,” kibit ang balikat na wika ni Angel.

“Wait lang pag-iisipan ko muna.”

“Hayst, ‘wag na. Wala na tayong oras para mag-isip! Kailangan na nating puntahan si Tito baka makahanap na s’ya ng mapapangasawa, sayang!” pangungumbinse pa ng kaibigan.

“Sige na nga…”

“Yes! Bilisan mo at baka ma-late pa tayo,” masayang ani Angel, habang nagmamadaling s’yang pumasok sa silid.

SAMANTALA, tahimik namang binabasa ni Daryll ang mga résumé ng mga babaeng na-recruite ng assistant. Sa isang ekslusibong bar na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan niya.

“Sigurado ka bang wala tayong sabit d’yan, El?” tanong niya sa assistant, habang hindi inaalis ang tingin sa mga babaeng nasa kanilang harapan.

“Yes, Boss. Malinis ang lahat. At makakaasa kang hindi nila sisirain ang plano n’yo. Na-briefing ko rin naman sila sa mga dapat nilang gagawin.”

“Good. Kung ganun wala tayong problima riyan.” Agad naman siyang tumayo at lumipat sa harap ng mg babaeng nakahelira, animo'y kinikilatis ang mga kandidata. Nang biglang bumukas ang pinto ng silid.

“Hubby!” masiglang bungad nang pumasok na si Ezra.

“Naku, Hubby. Ako na lang ang piliin mo maganda, cute at maaasahan mong hindi ko susuwayin ang ating magiging kasunduan.”

Napalingon na lamang si Daryll at napabuntonghininga dahil sa pagka-hyper ni Ezra. “Angel, anong kabulastugan na naman ito?”

“Naku, Uncle pasensya na po. Medyo nakainom lang po si Ezra. Besh, bumalik na lang pala tayo sa Condo,” awat ni Angel sa lasing ng kaibigan. “Hayst, sana kasi hindi na lang kita pinainom. Hindi mo naman pala kaya.”

“Nandito na tayo Besh, kaya wala nang atrasan ‘to,” protesta ni Ezra, sabay lapit kay Daryll, saka ipinulupot ang kamay sa sa braso nito“Naku, kakapalan ko na talaga ang mukha ko para sa pabahay, kotse at para sa walang katapusang pagkain!”

“Ano ba tingin mo sa akin, charity?” irretableng ani Daryll, saka pilit na inaalis ang braso ng babae.

“No. Ikaw ang iibigin ko ngayon, bukas at magpakailanman,” nakangiting wika ni Ezra, na tila artista sa teleserye.

Nagtangis naman ang bagang ni Daryll at masakit na tinitigan ang pamangkin. “Alam niyo ba nag pinasok niyo?”

“Yes hubby,” mabilis naman na sagot ni Ezra, habang si Angel naman ay tahimik at parang tutang nabahag ang buntot.

“Okay, but first, umatras ka muna.”

“Okay po,” mabilis namang bumitiw si Ezra at agad na dumistansya.

“Great. So, alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit a narito ‘di ba? Siguro naman sinabi na sayo ng makulit kong pamangkin ang lahat. Hindi ba Angel?” ani Daryll, diniinan pa ang mga salitang binitawan.

“Yes po, para sa bahay, kotse at pagkain at siyempre ‘yong datung.”

“Besh, zipper mo muna iyang bunganga mo!” awat sa kaniya ni Angel.

“Ano ka ba, relax ka lang okay, Ikaw naman ang may pakana ng lahat. Tapos ngayon aawatin mo ako.”

“Alam mo Besh, nagsisi tuloy ako na ito ang in-offer ko sayong sideline,” pabulong ngunit hindi nawawala ang ngiti ni Angel, habang nakatitig sa tiyuhin.

“So, ano na? Magbubulungan lang ba kayo riyan?” untag sa kanila ni Daryll.

“Siyempre wala pong atrasan ‘to,” determenadong wika ni Ezra.

“Good, El. palabasin mo na sila.”

“Okay po Boss,” tugon naman ng assistant ni Daryll, at agad na inakay ang mga babae palabas ng silid.

“Total, alam mo na ang lahat. Kausapin mo muna si Mommy,” pagkasabi ay agad na pinindot ni Daryll ang tawag ng ina na kanina pa nagba-vibrate sa bulsa niya.

“Hello po,” bungad ni Ezra sa babaeng nasa kabilang linya.

“Hi, aba! Dar. S'ya ba ang mapapangasawa mo? Parang nakita ko na ‘ata siya, somewhere.”

“Naku, kaibigan po ako ni Angel at isa sa mga scholar na pinaparal niyo po,” nakangiting aniya.

“Ah, kaya naman pala pamilyar ka sa akin eh,” masayang anang ginang.

Ngumisi naman si Ezra at agad na tiningnan ang natahimik at napaismid na si Daryll. “Hubby…” pabulong niyang ani, “bakit bigla ka ‘ata natahimik yan.”

Ngunit imbis na sumagot ay ibinaling nito ang atensyon sa ina. “Sige na Mom, ipinakita ko na sa inyo ang magiging manugang niyo kaya ba-bye na.”

“Hey w–”

Hindi na nagawang tapusin ng ina ang sasabihin dahil agad na n’yang ibinaba ang tawag.

“Grabe naman po kayo, nagsasalita pa iyong tao eh,” usal pa ni Ezra.

“She's fine, wala naman s’yang angal dun as long as dadalhin kita sa harapan niya next week.’’

“Aws okay.” Kibit ang balikat na ani Ezra.

“Well, klaro naman na ang lahat sa pagitan natin. Here, take this as, paunang bayad. Just spend it, at may papasok diyan weekly as your allowance,” sabi ni Daryll, habang inaabot ang isang black card na nasa six digit ang laman.

Malapad naman ang ngiting inabot ng dalawang kamay ni Ezra ang card. “Salamat po.”

“Besh, may panggastos na tayo,” mahina at nakangising aniya sa kaibigan.

Napabuntonghininga naman si Daryll. At saka inayos ang suot na suit. “Mauna na muna ako at may kikitain pa akong kliyente.”

“Sige Tito hubby, ba-bye.”

“Can you please stop calling me that, naririndi ako, I'm not that old, para tawagin mong tito,” saad ni Daryll nang lingunin sila nito. “Angel, can you please teach your friend, sa tamang itatawag sa akin.”

Agad namang tumango si Angel. “I will, po Tito.”

“Okay, good.”

Pagkaalis ng tiyuhin ay agad namang nagkatinginan sina Ezra at Angel na wari’y nila ang kanilang gagawin

“Woah…Alam na this!” hiyaw pa ni Angel, saka tumawa. “Let's go…!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 10

    “Aba, nandito pala ang isang fallen heiress at ang kaibigan niyang gold digger,” natatawang saad ng kararating lang na babae, kasama ang tatlo nitong alipores. Si Marga iyon— ang dating kaklase nila noong kolehiyo at isa sa mga taong walang sawang nang-bully kay Angel. Madalas sila nitong kutyain lalo na si Angel dahil sa biglaang pagbagsak noon ng kumpanya. Ngunit kalaunan ay naisalba rin iyon sa tulong ng tiyuhin. Sa pagkakaalam niya, ayaw sanang tanggapin ng ama ni Angel ang tulong mula sa kapatid. Pinili nitong bumangon sa sariling mga paa, nang walang inaasahang impluwensya mula sa pamilya nito. Anak kasi ang ama ni Angel sa labas, kaya hindi ganoon kalapit ang relasyon nila ng kapatid. Ngunit kalaunan'y naging okay rin. “Ano bang pakialam mo, Marga?” matigas na sagot niya. “Sa pagkakaalam ko, hindi mo pagmamay-ari ang mall na 'to. Kaya wala kang karapatang pakialaman kung pupunta kami rito.” Ngumisi si Marga, tila lalo pang naaliw sa naging sagot ni Ezra. Bahagya nitong

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 9.

    AGAD silang sinalubong ng malamig na hangin ng mall pagpasok pa lang nila. Maliwanag ang paligid, maingay ang usapan ng mga tao, at halo-halo ang amoy ng pagkain mula sa iba’t ibang kainan. Kadalasan, si Angel ang unang nae-excite sa ganitong lugar. Palaging siya ang nagyayaya mag-ikot, mag-try ng kung anu-anong pagkain, at mag-picture kung saan-saan.Pero ngayon, tila kabaligtaran. Tahimik lang ito.Halos hindi nga maalis ang tingin sa paligid, parang may hinahanap… o iniiwasan.Napansin iyon ni Ezra habang naglalakad sila papunta sa food court. Ilang beses nang napapalingon si Angel sa likuran nila, at bawat vibrate ng selpon nito ay bahagyang napapapitlag ang balikat sabay patay ng tawag.“Relax lang,” pabirong sabi ni Ezra habang kumukuha ng tray. “Hindi ka naman hinahabol ng pulis.”Hindi sumagot si Angel. Pilit lang itong ngumiti.Mas lalo tuloy siyang napakunot-noo.Umupo sila sa isang bakanteng mesa matapos bumili ng pagkain. Simpleng rice meal at fries lang iyon. Hindi niya g

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 8

    PAGSARA pa lang ng pinto ng condo ay sabay na napabuntong-hininga sina Ezra at Angel. “Grabe…” halos manghina si Angel habang isinasandal ang likod sa pinto. “Akala ko katapusan ko na. Ramdam ko na ‘yong sermon, eh. Ramdam ko na rin ‘yong pagpapalayas sa’kin sa mundo.” Napatawa si Ezra at ibinagsak ang bag sa sofa. “OA mo naman. Buhay pa tayo, ‘di ba?” Hindi pa man siya tuluyang nakaupo ay bigla siyang hinampas ng kaibigan. “Aray!” Napahawak si Ezra sa braso. “Hoy!” “Huwag kang hoy!” singhal ni Angel sabay hampas ulit. “Gusto mo ba talagang mamatay nang maaga? At saka hindi mo ba alam na ako ang mapapahamak sa ginawa mo! Sana pala hindi na lang ikaw ang nireco ko kay tito. Nagkapera nga ako pero sakit ka talaga sa ulo una pa lang.” Kumunot ang noo ngunit kalaunan'y ngumiti lang siya. “Ay wow, so ngayon ako pa sinisi mo. Grabe ka naman sa akin. Parang hindi ka rin sakit sa ulo, ah." sapo ang dibdib na tila nasaktan sa sinabi ngunit agad din ngumiti. “Mas grabe ka!”

  • MY UNEXPECTED LOVE    chapter 7

    MATAPOS ang agahan ay halos sabay na silang tumayo mula sa mesa. Tahimik lamang si Daryll habang inaayos ang manggas ng kaniyang long sleeve, na tila abala sa pag-iisip. Samantalang si Ezra ay mabilis na nagligpit ng kinainan, hindi mapigilang mapangiti sa sariling plano. “Kunin ko lang ang bag ko,” aniya, pilit pinananatiling kaswal ang boses. Hindi sumagot ang lalaki. Tanging tango lamang ang iginawad nito bago tuluyang naglakad palabas ng dining area. Hindi na nag-aksaya ng oras si Ezra. Mabilis siyang umakyat sa silid upang kunin ang kaniyang bag. Habang inaayos ang laman nito ay agad niyang hinugot ang cellphone at nagtype. Ezra: "Papunta ako sa Condo mo, abangan mo ako sa lobby. Ihahatid ako ng kumag mong tiyuhin." Agad na nag-seen ang kaibigan. Angel: "Huh? Naku wala ako ngayon sa Condo. Lumabas ako." Nanlaki ang mga mata at agad na nag-panic si Ezra. Nagsinungaling lang siya sa lalaki kanina. ang totoo ay wala namang silang usapan ng kaibigan. At hindi movie

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 6

    KINAUMAGAHN nagising si Ezra sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang pisngi mula sa pagitan ng kurtina. Bahagya siyang napaungol habang iniunat ang katawan, ramdam niya ang bahagyang paninigas ng kaniyang mga balikat at likod. Sandali siyang napatitig sa kisame, na tila sinusubukang alalahanin kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng paggising niya. Tahimik ang silid. Masyadong tahimik. Bagay na bigla siyang napabangon at napalingon sa kabilang bahagi ng kama. Bahagya siyang napakunot-noo at mabilis na iginiya ang tingin sa sopa. Wala na roon ang lalaki. Malinis at tila walang bakas na doon ito natulog kagabi. Wala na roon ang unan at kumot na nilatag nito. “Ang aga naman niyang nagising…” bulong niya sa sarili, saka bahagyang napangiwi. “Ah, baka nasa ibaba na,” dagdag pa niya, pilit na pinapakalma ang sarili kahit hindi naman niya alam kung bakit kailangan pa niya iyon gawin. Tumayo siya mula sa kama at dumeretso sa banyo. Agad siyang nagbukas ng shower, at sinalubong siya ng mala

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 5

    SAMANTALA, habang mahimbing na mahimbing ang tulog ni Ezra ay dahan-dahang idinilat ni Daryll ang mga mata.Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at sa hindi maipagkakailang malakas na hilik ng babaeng nasa kama. Napalingon siya sa direksyon nito, at hindi niya napigilang mapasinghal ng maikling tawa.“Grabe… kung makahilik parang hindi babae,” bulong niya.Bago pa man niya mailihis ang tingin, bigla itong nasamid sa sariling laway, napaubo nang bahagya, saka muling humilik na parang walang nangyari. Napailing na lang si Daryll, bahagyang iniangat ang katawan mula sa sopa upang masilip ito nang mas maigi.Sa liwanag ng munting night lamp, malinaw niyang nakita ang mukha ni Ezra—relaks, walang bakas ng kaingayan at kapilyuhang kanina lang ay muntik nang magpawala ng kaniyang katinuan. Ang noo nitong bahagyang nakakunot, ang labi’y nakabukas nang kaunti, at ang buhok na magulong nakasabog sa unan.“Hanggang pagtulog talaga ang kulit at ang ingay mo pa rin,” mahina niyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status