Share

Chapter 04

Author: Calut qho
last update Huling Na-update: 2026-01-27 15:37:14

PAGKATAPOS ng buong araw na kwentuhan, agad silang nagpaalam sa magulang na magpapahinga na sa silid na inihanda para sa kanila. Pagkapasok sa silid, agad naman nilang inihanda ang sarili para maagang makakapagpahinga.

“Teka, dito ba talaga tayo matutulog? Wala bang secret, passage papunta sa kabilang silid ang kuwartong ito?” tanong ni Ezra.

“Wala. Kaya wag kanang maarte riyan,” sagot ni Daryll habang inihuhulog ang necktie sa isang upuan.

“And by the way, dito ako sa kama. Ikaw…. Bahala ka na kung saan mo gustong matulog.”

Dahil sa sinabi, napanganga na lamang si Ezra, saka napataas ng isang kilay. “Ano!? Ako? Hihiga sa kahit saang parte ng silid na ‘to? Tapos ikaw, sa malapad at malambot na kama matutulog? Aba! Napaka-unfair mo yata.”

“Unfair? Walang unfair dun. Hindi kasi ako sanay na may katabi matulog kaya, diyan ka na lang siguro sa sofa, at dito naman ako sa kama.”

Agad namang napakunot ng kaniyang noo si Ezra, sa hirit ng asawa. “Kung ikaw kaya, matulog rito sa sofa. Tapos ako riyan sa kama, tingnan natin kung anong mararamdaman mo!”

“Hay… bahala ka nga riyan. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka na lang. Heto, unan at kumot.” Wika at sabay abot sa kaniya ng gamit. “Ikaw nang bahala riyan, I need to rest,” pagkasabi, agad namang humiga si Daryll sa kama. At saka itinakip ang kumot sa katawan.

“Tch! Bahala ka na nga lang d’yan,” maktol niya. “Makatulog na nga lang rin.”

HABANG nakahiga na sa sopa, nakapa ni Ezra ang kuwintas na bigay ng kanyang biyenan, bagay na hinaplos niya iyon nang marahan. “Mabuti na lang eh, marunong magpakita ang mommy mo ng appreciation…” bulong niya sa sarili.

Sumilay naman ang pilyang ngiti sa kaniyang labi, habang iniisip ang bigla niyang pagyaman.

“Ano? Nai-in love ka na sa platinum card at kuwintas na ibinigay ni mommy? Ayos din ah, mas malaki pa yata ang kikitain mo kay mommy kaysa sa akin na nag-hire sayo. Nakalimutan mo yata ang totoong amo mo rito,” biglang wika ni Daryll.

Muli na namang napakunot ng kaniyang noo si Ezra, saka nilingon ang lalaking hindi pa pala natutulog. “Hoy! Hindi ko naman hiningi ang mga ito no, kusa itong binigay ng mommy mo. Tsaka ano naman kung masaya ako? Kahit papaano may nagpakita ng kabutihan sa akin dito! At saka, sobrang bait ng mommy mo,” saglit pang natigilan si Ezra, at Huminga ng malalim bago pa nagpatuloy. “At saka bakit mo siya niloloko? Ano na lang ang mararamdam ng mommy niyo kapag nalaman niyang drama lang ang lahat ng ‘to?”

Bago pa sumagot. Umayos na muna si Daryll, saka isinandal ang ulo headboard ng kama. “Hindi mo naman siguro sasabihin, hindi ba?”

“Oo naman. Hindi ko sasabihin, hindi naman kasi ako marites tulad ng inaakala mo,” mabilis n’yang tugon rito.

“Good. Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Matulog ka na. Maaga pa tayong aalis bukas,” suhisyon nito.

“Oo na, matutulog na. May tinitingnan lang ang tao eh.” Agad naman inayos ni Ezra ang sarili at nang akma na s’yang pipikit, biglang namatay ang ilaw.

“Mama!” sigaw niya. At saka kumaripas nang takbo patungo sa kama at agad na sumampa, sabay yakap Kay Daryll.

“Hoy! Ano ba. Ang laki-laki mo na, matatakutin ka pala? Umayos ka nga,” saad ni Daryll, at agad na binuksan ang emergency light na nakapatong sa lamesang katabi lang ng kama.

Dahil sa sinabi kaagad namang bumitaw at umayos nang upo si Ezra, sa kama.

“Puwede bang, tabi na lang tayo? Natatakot kasi ako sa dilim. Promise hindi ako gagawa nang ingay na maging dahilan para hindi ka makatulog,” pakiusap niya rito.

Ngunit hindi yata naka-focus si Daryll sa sinabi niya. At nagulat na lamang siya nang bigla s’ya nitong hilahin upang pumaibabaw sa asawa. “Don’t move.”

Dahil sa sobrang pagkagulat, bahagya s’yang nagpumiglas. “Hoy! Ano ba, pakawalan mo nga ako.”

“I said don’t move,” pagkasabi, agad siya nitong kinurot sa tagiliran, dahilan para mapasinghap siya.

“Arayy! Ano bang problima mo?”

Imbis na sumagot, ipinilig nito ang kaniyang ulo. Upang tingnan ang karampot na ilaw at dalawang pares ng anino, tila nagmamatyag sa nangyayari sa kanila sa loob. “I think, pakana ni Mommy ang pagkamatay ng ilaw. Kaya, kailangan ko ang kooperasyon mo this time.”

Dahil naabot na niya ang ibig sabihin ni Daryll, gumawa na agad siya ng hakbang na kahit ang asawa, hindi iyon inaasahan.

“Araay…. Dahan-dahan lang Mahal, nasasaktan ako…” halos paungol niyang ani.

“Hoy, ano bang pinagsasabi mo riyan? Hindi naman kasi iyan ang gusto kong mangyari,” awat pa ni Daryll kay Ezra.

“Akala ko po ba, you need my cooperation? Heto na iyon,” pagkasabi, gumanti naman s’ya sa pagkurot sa asawa. Ngunit sa pagkakataong ito, malakas, tila ang laki ng galit niya sa lalaki. Dahilan para mapadaing ito nang malakas.

SAMANTALA, habang nakikinig sa labas ng silid nila Ezra at Daryll. Hindi pa rin kumbinsedo si Amelia. Sa naririnig naingay na nagmumula sa loob ng silid ng mag-asawa.

“Manang, buksan mo nga. Pakiramdam ko kasi, inuuto lang tayo ng dalawang iyan. Akala nila siguro hindi ko nahalata ang galawan nila kanina,” dikta niya sa mayordumang kasama.

“Okay po Madam.”

Pagkapasok, napatili na lamang si Amelia sa nakita. “Naku! Pasensya na anak, Akala ko kasi…” natatawang wika ni Amelia, matapos makita ang dalawa na nakabalot ng kumot, habang nakapatong si Ezra, sa lalaki.

“Mom, naman! Panira talaga kayo nang moment,” kunwari paasik na singhal ni Daryll sa ina.

“Oo nga po, mommy nakakahiya,” saad pa ni Ezra na ngayon’y makasubsob na sa diddib ni Daryll.

“Naku, Akala ko kasi…”

“Hay…. Umalis na nga kayo mom. Panira talaga kayo.”

“Oo na. Aalis na. Tara na Manang,” aya ni Amelia sa kasama. “Sige na, ituloy niyo na iyan. Para next year meron na akong kakargahing apo,” pahabol pa ng ina.

“Sige na Mom. Umalis na kayo!”

Pagkaalis ng ina. Agad namang bumalik sa puwesto si Ezra.

“Grabe naman po iyong kaibigan niyo,” natatawang usal ni Ezra. “Gumalaw lang ako ng kaunti nagalit agad.”

Nahiya, at agad namang uminit ang pisngi ni Daryll sa sinabi ni Ezra. “P*****a ka bro, pinahamak mo talaga ako.”

“Pero in fairness–”

“Hay! Matulog ka na nga lang riyan! Kung ayaw mong pababalikin kita sa sofa!” asik nito saka padabog na tumalikod, saka hinila ang kumot.

“Tch. Pero in fairness, malaki.”

“Hindi ka ba talaga titigil? Kababaeng mong tao ang bastos ng bunga-nga mo,” saway pa ni Daryll. “Matulog ka na!”

“Sus! Nagsasabi lang ng totoo ‘yong tao eh, hindi pa nga inaano tumitigas na,” tatwa pa niya. Bagay na mapabuntonghininga si Daryll.

“Hay, diyan ka na nga lang. Ako na lang ang hihiga sa matigas na sopang ito!” Tumayo at agad na lumipat si Daryll, sa sopa habang naiwan naman sa kama si Ezra.

“Ay, ‘di thank you, sa wakas masusolo ko itong kama. Mr Daks and handsome,” natatawang saad ni Ezra, saka tinaklob ang makapal na kumot sa sarili.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY UNEXPECTED LOVE    chapter 7

    MATAPOS ang agahan ay halos sabay na silang tumayo mula sa mesa. Tahimik lamang si Daryll habang inaayos ang manggas ng kaniyang long sleeve, na tila abala sa pag-iisip. Samantalang si Ezra ay mabilis na nagligpit ng kinainan, hindi mapigilang mapangiti sa sariling plano. “Kunin ko lang ang bag ko,” aniya, pilit pinananatiling kaswal ang boses. Hindi sumagot ang lalaki. Tanging tango lamang ang iginawad nito bago tuluyang naglakad palabas ng dining area. Hindi na nag-aksaya ng oras si Ezra. Mabilis siyang umakyat sa silid upang kunin ang kaniyang bag. Habang inaayos ang laman nito ay agad niyang hinugot ang cellphone at nagtype. Ezra: "Papunta ako sa Condo mo, abangan mo ako sa lobby. Ihahatid ako ng kumag mong tiyuhin." Agad na nag-seen ang kaibigan. Angel: "Huh? Naku wala ako ngayon sa Condo. Lumabas ako." Nanlaki ang mga mata at agad na nag-panic si Ezra. Nagsinungaling lang siya sa lalaki kanina. ang totoo ay wala namang silang usapan ng kaibigan. At hindi movie

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 6

    KINAUMAGAHN nagising si Ezra sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang pisngi mula sa pagitan ng kurtina. Bahagya siyang napaungol habang iniunat ang katawan, ramdam niya ang bahagyang paninigas ng kaniyang mga balikat at likod. Sandali siyang napatitig sa kisame, na tila sinusubukang alalahanin kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng paggising niya. Tahimik ang silid. Masyadong tahimik. Bagay na bigla siyang napabangon at napalingon sa kabilang bahagi ng kama. Bahagya siyang napakunot-noo at mabilis na iginiya ang tingin sa sopa. Wala na roon ang lalaki. Malinis at tila walang bakas na doon ito natulog kagabi. Wala na roon ang unan at kumot na nilatag nito. “Ang aga naman niyang nagising…” bulong niya sa sarili, saka bahagyang napangiwi. “Ah, baka nasa ibaba na,” dagdag pa niya, pilit na pinapakalma ang sarili kahit hindi naman niya alam kung bakit kailangan pa niya iyon gawin. Tumayo siya mula sa kama at dumeretso sa banyo. Agad siyang nagbukas ng shower, at sinalubong siya ng mala

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 5

    SAMANTALA, habang mahimbing na mahimbing ang tulog ni Ezra ay dahan-dahang idinilat ni Daryll ang mga mata.Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at sa hindi maipagkakailang malakas na hilik ng babaeng nasa kama. Napalingon siya sa direksyon nito, at hindi niya napigilang mapasinghal ng maikling tawa.“Grabe… kung makahilik parang hindi babae,” bulong niya.Bago pa man niya mailihis ang tingin, bigla itong nasamid sa sariling laway, napaubo nang bahagya, saka muling humilik na parang walang nangyari. Napailing na lang si Daryll, bahagyang iniangat ang katawan mula sa sopa upang masilip ito nang mas maigi.Sa liwanag ng munting night lamp, malinaw niyang nakita ang mukha ni Ezra—relaks, walang bakas ng kaingayan at kapilyuhang kanina lang ay muntik nang magpawala ng kaniyang katinuan. Ang noo nitong bahagyang nakakunot, ang labi’y nakabukas nang kaunti, at ang buhok na magulong nakasabog sa unan.“Hanggang pagtulog talaga ang kulit at ang ingay mo pa rin,” mahina niyan

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 04

    PAGKATAPOS ng buong araw na kwentuhan, agad silang nagpaalam sa magulang na magpapahinga na sa silid na inihanda para sa kanila. Pagkapasok sa silid, agad naman nilang inihanda ang sarili para maagang makakapagpahinga.“Teka, dito ba talaga tayo matutulog? Wala bang secret, passage papunta sa kabilang silid ang kuwartong ito?” tanong ni Ezra.“Wala. Kaya wag kanang maarte riyan,” sagot ni Daryll habang inihuhulog ang necktie sa isang upuan.“And by the way, dito ako sa kama. Ikaw…. Bahala ka na kung saan mo gustong matulog.”Dahil sa sinabi, napanganga na lamang si Ezra, saka napataas ng isang kilay. “Ano!? Ako? Hihiga sa kahit saang parte ng silid na ‘to? Tapos ikaw, sa malapad at malambot na kama matutulog? Aba! Napaka-unfair mo yata.”“Unfair? Walang unfair dun. Hindi kasi ako sanay na may katabi matulog kaya, diyan ka na lang siguro sa sofa, at dito naman ako sa kama.”Agad namang napakunot ng kaniyang noo si Ezra, sa hirit ng asawa. “Kung ikaw kaya, matulog rito sa sofa. Tapos a

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 03

    MATAPOS makakuha ng marriage certificate, ay agad namang sumakay sina Ezra at Daryll sa sasakyan upang magtungo sa bahay ng magulang upang ipakilala si Ezra sa ina. “Magandang araw po senyorito,” bati ng mayordumang sumalubong sa kanila. “Nasa terasa na po ang mommy ninyo naghihintay sa pagdating niyo? “Sige po Manay, pupuntahan na lang namin dun si Mommy,” pagkasabi, agad namang hinawakan ni Daryll, ang kamay ni Ezra. At saka hinila ito patungong terasa. “MOM, narito na ang manugang na hinihingi niyo sa akin. Mahal meet my Mom, Amelia. Mom meet Ezra my wife.” “Magandang araw po Tita,”bati ni Ezra, pagkatapos lumabas sa likuran ni Daryll. “Hump, hindi maganda ang araw ko ngayon Dar, ilang araw mo nanag in–indian ang tawag ko sayo–” “Here, siguro naman masaya ka na sa balitang ‘yan,” putol ni Daryll sa sasabihin ng ina sabay abot ng marriage certificate nilang mag-asawa. Ngumiti at agad namang umaliwalas ang mukha ng ina pagkakita sa sertipikong iniabot ni Daryll. “Naku, Iha,

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 02

    HABANG nakikipag-usap si Daryll sa kliyente, panay ang unog ng kaniyang cellphone sa kaniya bulsa, bagay na pasimple niya itong tiningnan. “Anak ng tokwa!” bulalas niya, bagay na mabigla rin ang kaharap. “May problima po ba, Mr. Monteverde?” Tanong ng kausap. Agad namang napatingin si Daryll sa kausap at pilit iyong nginitian. “No, Mr. Chui. May nakita lang akong hindi kaaya-aya. Sige po, ituloy niyo lang po ang sinasabi niyo.” “Ah, sige.” Ipinagpatuloy nga ng kausap ang diskusyon, at muling itinuon roon ni Daryll, ang atensyon at hinayaan na muna ang pagtunog ng kaniyang cellphone. “Paano, Mr. Monteverde, mauna na kami.” “Sige po mr Chui, ingat.” Tugon naman ni Daryll, matapos magpaalam ng kausap. Nang makaalis siI mr. Chui, dali-dali namang binuksan ni Daryll ang kaniyang cellphone. At laking gulat niya nang bumungad ang bumabang notification mula sa bangko. “Pambihira, El. Kontakin mo nga yung ang manager ng Bar,” utos niya sa kanang kamay na agad naman nitong sinunod.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status