Share

Chapter 6

Author: Calut qho
last update publish date: 2026-02-03 21:07:10

KINAUMAGAHN nagising si Ezra sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang pisngi mula sa pagitan ng kurtina. Bahagya siyang napaungol habang iniunat ang katawan, ramdam niya ang bahagyang paninigas ng kaniyang mga balikat at likod. Sandali siyang napatitig sa kisame, na tila sinusubukang alalahanin kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng paggising niya.

Tahimik ang silid. Masyadong tahimik. Bagay na bigla siyang napabangon at napalingon sa kabilang bahagi ng kama. Bahagya siyang napakunot-noo at mabilis na iginiya ang tingin sa sopa.

Wala na roon ang lalaki. Malinis at tila walang bakas na doon ito natulog kagabi. Wala na roon ang unan at kumot na nilatag nito.

“Ang aga naman niyang nagising…” bulong niya sa sarili, saka bahagyang napangiwi.

“Ah, baka nasa ibaba na,” dagdag pa niya, pilit na pinapakalma ang sarili kahit hindi naman niya alam kung bakit kailangan pa niya iyon gawin.

Tumayo siya mula sa kama at dumeretso sa banyo. Agad siyang nagbukas ng shower, at sinalubong siya ng malamig na tubig na unti-unting nagpagising sa kaniyang diwa. Pinikit niya ang mga mata habang hinahayaan ang tubig na dumaloy sa kaniyang mukha at katawan.

Sa sandaling iyon ay saglit na may mga malabong larawang pumasok sa isip niya.

Ngunit agad din iyong naglaho, parang panaginip na pilit niyang hinahabol ngunit ayaw magpaiwan.

“Ang weird…” bulong niya, saka napailing.

PAGKATAPOS maligo, mabilis siyang nagbihis. Pinili niya ang simple at maluwag na blouse at maong na shorts. Hindi na niya gaanong inayos ang buhok, basta tinuyo lamang ito gamit ang tuwalya bago tuluyang lumabas ng silid.

Pagbaba niya sa hagdan, agad siyang sinalubong ng amoy ng bagong lutong pagkain. Napahinto siya sandali, bahagyang napasinghot, at hindi napigilang mapangiti.

“Uy, may pa-breakfast,” mahinang usal niya.

Pagpasok niya sa dining area, nakita niya si Daryll na nakatayo sa may kusina, habang abalang inaayos ang mga plato sa mesa. Maayos ang postura nito, gaya ng una niyang makita seryoso, tahimik, at tila laging kontrolado ang bawat galaw ng lalaki.

“Good morning,” halos pasigaw at masiglang bati ni Ezra.

Bahagyang natigilan si Daryll ngunit agad ding bumalik sa normal ang ekspresyon nito. Hindi siya lumingon, ngunit tumango lang nang bahagya.

“Buti naman nagising ka na.” anito, “umupo ka na. Sabay na tayong kumain.”

Napanguso si Ezra ngunit sumunod din sa huli. Naupo siya at agad sinuri ang mga nakahain.

“Wow. Marunong ka pala magluto,” pabirong sabi niya.

“Malamang,” tipid na sagot ni Daryll habang ibinubuhos ang kape sa tasa.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Hindi iyon ang nakasanayan ni Ezra kaya agad siyang nagsalita muli.

“Ang aga mo nagising ah. Hindi mo man lang ako ginising.”

Saglit na natigilan ang lalaki. Bahagya nitong hinigpitan ang hawak sa tasa bago dahan-dahang inilapag iyon sa harap niya.

“Napasarap yata ang tulog mo,,” sagot nito, malamig ngunit kontrolado ang tono.

Hindi napansin ni Ezra ang bahagyang pag-iwas nito ng tingin. Abala na siya sa pagkuha ng pagkain.

“Ganun ba? Sarap siguro ng tulog ko,” natatawang sabi niya. “Wala nga akong maalala na kahit ano eh.”

Napatingin si Daryll sa kaniya. “Malamang, tulo pa nga laway mo,” maikli nitong tugon.

Nanlaki ang mga mata niya. Nasapo niya ang ibabang baba saka pinahid iyon kahit wala namang laway.

“Hoy! Hindi ako naglalaway,” depensa niya, sabay irap.

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Daryll, ngunit agad din niyang itinago iyon sa pag-inom ng kape.

“Sigurado ka?” tanong nito na tila nanunukso.

“Of course!” taas-noong sagot ni Ezra bago muling sumubo ng pagkain. “Baka ikaw ang may laway habang natutulog.”

“Hindi ako humihilik,” mabilis na kontra ni Daryll.

Napahinto si Ezra sa pagsubo at unti-unting napangisi. “Hindi mo sure.”

Napatingin sa kaniya ang lalaki, at bahagyang nagtaas ng kilay. “At paano mo nalaman?”

Natigilan si Ezra. Saglit siyang napatitig sa kaharap, na tila may kung anong pumasok sa isip niya.

“Well, feeling ko lang,” mabilis niyang sagot, saka muling yumuko sa plato.

Sandaling katahimikan ang muling bumalot sa mesa. Ngunit hindi na iyon kasing gaan ng kanina.

Maya-maya pa, si Ezra rin ang unang bumasag nito.

“By the way,” ani niya habang patuloy sa pagkain, “may lakad ka ba ngayon?”

“Meron,” maikli nitong sagot.

“Work?”

Tumango si Daryll. “Meeting sa opisina.”

"Okay," tipid niyang sagot.

Kumunot ang noo ng lalaki. "At bakit?"

Doon na ngumiti si Ezra, nag-aalangan ngunit kalaunan'y nagsalita rin.

"Pupuntahan ko sana si Angel . . . may usapan kasi kami last time na mag-mo-movie marathon kami sa condo niya. "

"Oh," tila hindi kumbensidong anang kaharap.

Ngunit kalaunan'y tumango na rin.

"Sige. Total Wala si mommy kaya wala ka ring makakasama rito bukod sa mga katulong."

Lumiwanag ang mukha ni Ezra, "Thanks."

"Pero ipapasundo kita mamaya kaya siguraduhin mong sa condo ka lang ng pasaway kong pamangkin."

Napakamot na lamang si Ezra sa ulo. Pero sa isip isip niya: hindi naman malalaman ng lalaki kung aalis sila ng kaibigan lalo na't nasa trabaho ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 10

    “Aba, nandito pala ang isang fallen heiress at ang kaibigan niyang gold digger,” natatawang saad ng kararating lang na babae, kasama ang tatlo nitong alipores. Si Marga iyon— ang dating kaklase nila noong kolehiyo at isa sa mga taong walang sawang nang-bully kay Angel. Madalas sila nitong kutyain lalo na si Angel dahil sa biglaang pagbagsak noon ng kumpanya. Ngunit kalaunan ay naisalba rin iyon sa tulong ng tiyuhin. Sa pagkakaalam niya, ayaw sanang tanggapin ng ama ni Angel ang tulong mula sa kapatid. Pinili nitong bumangon sa sariling mga paa, nang walang inaasahang impluwensya mula sa pamilya nito. Anak kasi ang ama ni Angel sa labas, kaya hindi ganoon kalapit ang relasyon nila ng kapatid. Ngunit kalaunan'y naging okay rin. “Ano bang pakialam mo, Marga?” matigas na sagot niya. “Sa pagkakaalam ko, hindi mo pagmamay-ari ang mall na 'to. Kaya wala kang karapatang pakialaman kung pupunta kami rito.” Ngumisi si Marga, tila lalo pang naaliw sa naging sagot ni Ezra. Bahagya nitong

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 9.

    AGAD silang sinalubong ng malamig na hangin ng mall pagpasok pa lang nila. Maliwanag ang paligid, maingay ang usapan ng mga tao, at halo-halo ang amoy ng pagkain mula sa iba’t ibang kainan. Kadalasan, si Angel ang unang nae-excite sa ganitong lugar. Palaging siya ang nagyayaya mag-ikot, mag-try ng kung anu-anong pagkain, at mag-picture kung saan-saan.Pero ngayon, tila kabaligtaran. Tahimik lang ito.Halos hindi nga maalis ang tingin sa paligid, parang may hinahanap… o iniiwasan.Napansin iyon ni Ezra habang naglalakad sila papunta sa food court. Ilang beses nang napapalingon si Angel sa likuran nila, at bawat vibrate ng selpon nito ay bahagyang napapapitlag ang balikat sabay patay ng tawag.“Relax lang,” pabirong sabi ni Ezra habang kumukuha ng tray. “Hindi ka naman hinahabol ng pulis.”Hindi sumagot si Angel. Pilit lang itong ngumiti.Mas lalo tuloy siyang napakunot-noo.Umupo sila sa isang bakanteng mesa matapos bumili ng pagkain. Simpleng rice meal at fries lang iyon. Hindi niya g

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 8

    PAGSARA pa lang ng pinto ng condo ay sabay na napabuntong-hininga sina Ezra at Angel. “Grabe…” halos manghina si Angel habang isinasandal ang likod sa pinto. “Akala ko katapusan ko na. Ramdam ko na ‘yong sermon, eh. Ramdam ko na rin ‘yong pagpapalayas sa’kin sa mundo.” Napatawa si Ezra at ibinagsak ang bag sa sofa. “OA mo naman. Buhay pa tayo, ‘di ba?” Hindi pa man siya tuluyang nakaupo ay bigla siyang hinampas ng kaibigan. “Aray!” Napahawak si Ezra sa braso. “Hoy!” “Huwag kang hoy!” singhal ni Angel sabay hampas ulit. “Gusto mo ba talagang mamatay nang maaga? At saka hindi mo ba alam na ako ang mapapahamak sa ginawa mo! Sana pala hindi na lang ikaw ang nireco ko kay tito. Nagkapera nga ako pero sakit ka talaga sa ulo una pa lang.” Kumunot ang noo ngunit kalaunan'y ngumiti lang siya. “Ay wow, so ngayon ako pa sinisi mo. Grabe ka naman sa akin. Parang hindi ka rin sakit sa ulo, ah." sapo ang dibdib na tila nasaktan sa sinabi ngunit agad din ngumiti. “Mas grabe ka!”

  • MY UNEXPECTED LOVE    chapter 7

    MATAPOS ang agahan ay halos sabay na silang tumayo mula sa mesa. Tahimik lamang si Daryll habang inaayos ang manggas ng kaniyang long sleeve, na tila abala sa pag-iisip. Samantalang si Ezra ay mabilis na nagligpit ng kinainan, hindi mapigilang mapangiti sa sariling plano. “Kunin ko lang ang bag ko,” aniya, pilit pinananatiling kaswal ang boses. Hindi sumagot ang lalaki. Tanging tango lamang ang iginawad nito bago tuluyang naglakad palabas ng dining area. Hindi na nag-aksaya ng oras si Ezra. Mabilis siyang umakyat sa silid upang kunin ang kaniyang bag. Habang inaayos ang laman nito ay agad niyang hinugot ang cellphone at nagtype. Ezra: "Papunta ako sa Condo mo, abangan mo ako sa lobby. Ihahatid ako ng kumag mong tiyuhin." Agad na nag-seen ang kaibigan. Angel: "Huh? Naku wala ako ngayon sa Condo. Lumabas ako." Nanlaki ang mga mata at agad na nag-panic si Ezra. Nagsinungaling lang siya sa lalaki kanina. ang totoo ay wala namang silang usapan ng kaibigan. At hindi movie

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 6

    KINAUMAGAHN nagising si Ezra sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang pisngi mula sa pagitan ng kurtina. Bahagya siyang napaungol habang iniunat ang katawan, ramdam niya ang bahagyang paninigas ng kaniyang mga balikat at likod. Sandali siyang napatitig sa kisame, na tila sinusubukang alalahanin kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng paggising niya. Tahimik ang silid. Masyadong tahimik. Bagay na bigla siyang napabangon at napalingon sa kabilang bahagi ng kama. Bahagya siyang napakunot-noo at mabilis na iginiya ang tingin sa sopa. Wala na roon ang lalaki. Malinis at tila walang bakas na doon ito natulog kagabi. Wala na roon ang unan at kumot na nilatag nito. “Ang aga naman niyang nagising…” bulong niya sa sarili, saka bahagyang napangiwi. “Ah, baka nasa ibaba na,” dagdag pa niya, pilit na pinapakalma ang sarili kahit hindi naman niya alam kung bakit kailangan pa niya iyon gawin. Tumayo siya mula sa kama at dumeretso sa banyo. Agad siyang nagbukas ng shower, at sinalubong siya ng mala

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 5

    SAMANTALA, habang mahimbing na mahimbing ang tulog ni Ezra ay dahan-dahang idinilat ni Daryll ang mga mata.Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at sa hindi maipagkakailang malakas na hilik ng babaeng nasa kama. Napalingon siya sa direksyon nito, at hindi niya napigilang mapasinghal ng maikling tawa.“Grabe… kung makahilik parang hindi babae,” bulong niya.Bago pa man niya mailihis ang tingin, bigla itong nasamid sa sariling laway, napaubo nang bahagya, saka muling humilik na parang walang nangyari. Napailing na lang si Daryll, bahagyang iniangat ang katawan mula sa sopa upang masilip ito nang mas maigi.Sa liwanag ng munting night lamp, malinaw niyang nakita ang mukha ni Ezra—relaks, walang bakas ng kaingayan at kapilyuhang kanina lang ay muntik nang magpawala ng kaniyang katinuan. Ang noo nitong bahagyang nakakunot, ang labi’y nakabukas nang kaunti, at ang buhok na magulong nakasabog sa unan.“Hanggang pagtulog talaga ang kulit at ang ingay mo pa rin,” mahina niyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status