Mag-log inMATAPOS ang agahan ay halos sabay na silang tumayo mula sa mesa. Tahimik lamang si Daryll habang inaayos ang manggas ng kaniyang long sleeve, na tila abala sa pag-iisip. Samantalang si Ezra ay mabilis na nagligpit ng kinainan, hindi mapigilang mapangiti sa sariling plano. “Kunin ko lang ang bag ko,” aniya, pilit pinananatiling kaswal ang boses. Hindi sumagot ang lalaki. Tanging tango lamang ang iginawad nito bago tuluyang naglakad palabas ng dining area. Hindi na nag-aksaya ng oras si Ezra. Mabilis siyang umakyat sa silid upang kunin ang kaniyang bag. Habang inaayos ang laman nito ay agad niyang hinugot ang cellphone at nagtype. Ezra: "Papunta ako sa Condo mo, abangan mo ako sa lobby. Ihahatid ako ng kumag mong tiyuhin." Agad na nag-seen ang kaibigan. Angel: "Huh? Naku wala ako ngayon sa Condo. Lumabas ako." Nanlaki ang mga mata at agad na nag-panic si Ezra. Nagsinungaling lang siya sa lalaki kanina. ang totoo ay wala namang silang usapan ng kaibigan. At hindi movie
KINAUMAGAHN nagising si Ezra sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang pisngi mula sa pagitan ng kurtina. Bahagya siyang napaungol habang iniunat ang katawan, ramdam niya ang bahagyang paninigas ng kaniyang mga balikat at likod. Sandali siyang napatitig sa kisame, na tila sinusubukang alalahanin kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng paggising niya. Tahimik ang silid. Masyadong tahimik. Bagay na bigla siyang napabangon at napalingon sa kabilang bahagi ng kama. Bahagya siyang napakunot-noo at mabilis na iginiya ang tingin sa sopa. Wala na roon ang lalaki. Malinis at tila walang bakas na doon ito natulog kagabi. Wala na roon ang unan at kumot na nilatag nito. “Ang aga naman niyang nagising…” bulong niya sa sarili, saka bahagyang napangiwi. “Ah, baka nasa ibaba na,” dagdag pa niya, pilit na pinapakalma ang sarili kahit hindi naman niya alam kung bakit kailangan pa niya iyon gawin. Tumayo siya mula sa kama at dumeretso sa banyo. Agad siyang nagbukas ng shower, at sinalubong siya ng mala
SAMANTALA, habang mahimbing na mahimbing ang tulog ni Ezra ay dahan-dahang idinilat ni Daryll ang mga mata.Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at sa hindi maipagkakailang malakas na hilik ng babaeng nasa kama. Napalingon siya sa direksyon nito, at hindi niya napigilang mapasinghal ng maikling tawa.“Grabe… kung makahilik parang hindi babae,” bulong niya.Bago pa man niya mailihis ang tingin, bigla itong nasamid sa sariling laway, napaubo nang bahagya, saka muling humilik na parang walang nangyari. Napailing na lang si Daryll, bahagyang iniangat ang katawan mula sa sopa upang masilip ito nang mas maigi.Sa liwanag ng munting night lamp, malinaw niyang nakita ang mukha ni Ezra—relaks, walang bakas ng kaingayan at kapilyuhang kanina lang ay muntik nang magpawala ng kaniyang katinuan. Ang noo nitong bahagyang nakakunot, ang labi’y nakabukas nang kaunti, at ang buhok na magulong nakasabog sa unan.“Hanggang pagtulog talaga ang kulit at ang ingay mo pa rin,” mahina niyan
PAGKATAPOS ng buong araw na kwentuhan, agad silang nagpaalam sa magulang na magpapahinga na sa silid na inihanda para sa kanila. Pagkapasok sa silid, agad naman nilang inihanda ang sarili para maagang makakapagpahinga.“Teka, dito ba talaga tayo matutulog? Wala bang secret, passage papunta sa kabilang silid ang kuwartong ito?” tanong ni Ezra.“Wala. Kaya wag kanang maarte riyan,” sagot ni Daryll habang inihuhulog ang necktie sa isang upuan.“And by the way, dito ako sa kama. Ikaw…. Bahala ka na kung saan mo gustong matulog.”Dahil sa sinabi, napanganga na lamang si Ezra, saka napataas ng isang kilay. “Ano!? Ako? Hihiga sa kahit saang parte ng silid na ‘to? Tapos ikaw, sa malapad at malambot na kama matutulog? Aba! Napaka-unfair mo yata.”“Unfair? Walang unfair dun. Hindi kasi ako sanay na may katabi matulog kaya, diyan ka na lang siguro sa sofa, at dito naman ako sa kama.”Agad namang napakunot ng kaniyang noo si Ezra, sa hirit ng asawa. “Kung ikaw kaya, matulog rito sa sofa. Tapos a
MATAPOS makakuha ng marriage certificate, ay agad namang sumakay sina Ezra at Daryll sa sasakyan upang magtungo sa bahay ng magulang upang ipakilala si Ezra sa ina. “Magandang araw po senyorito,” bati ng mayordumang sumalubong sa kanila. “Nasa terasa na po ang mommy ninyo naghihintay sa pagdating niyo? “Sige po Manay, pupuntahan na lang namin dun si Mommy,” pagkasabi, agad namang hinawakan ni Daryll, ang kamay ni Ezra. At saka hinila ito patungong terasa. “MOM, narito na ang manugang na hinihingi niyo sa akin. Mahal meet my Mom, Amelia. Mom meet Ezra my wife.” “Magandang araw po Tita,”bati ni Ezra, pagkatapos lumabas sa likuran ni Daryll. “Hump, hindi maganda ang araw ko ngayon Dar, ilang araw mo nanag in–indian ang tawag ko sayo–” “Here, siguro naman masaya ka na sa balitang ‘yan,” putol ni Daryll sa sasabihin ng ina sabay abot ng marriage certificate nilang mag-asawa. Ngumiti at agad namang umaliwalas ang mukha ng ina pagkakita sa sertipikong iniabot ni Daryll. “Naku, Iha,
HABANG nakikipag-usap si Daryll sa kliyente, panay ang unog ng kaniyang cellphone sa kaniya bulsa, bagay na pasimple niya itong tiningnan. “Anak ng tokwa!” bulalas niya, bagay na mabigla rin ang kaharap. “May problima po ba, Mr. Monteverde?” Tanong ng kausap. Agad namang napatingin si Daryll sa kausap at pilit iyong nginitian. “No, Mr. Chui. May nakita lang akong hindi kaaya-aya. Sige po, ituloy niyo lang po ang sinasabi niyo.” “Ah, sige.” Ipinagpatuloy nga ng kausap ang diskusyon, at muling itinuon roon ni Daryll, ang atensyon at hinayaan na muna ang pagtunog ng kaniyang cellphone. “Paano, Mr. Monteverde, mauna na kami.” “Sige po mr Chui, ingat.” Tugon naman ni Daryll, matapos magpaalam ng kausap. Nang makaalis siI mr. Chui, dali-dali namang binuksan ni Daryll ang kaniyang cellphone. At laking gulat niya nang bumungad ang bumabang notification mula sa bangko. “Pambihira, El. Kontakin mo nga yung ang manager ng Bar,” utos niya sa kanang kamay na agad naman nitong sinunod.







